42 - QUESTIONS

625 22 5
                                    

BEA POV

Naandito ako ngayon sa isang bar at nagpapalipas ng magdamag. I just wanted sometime off. Nagkita kami ni Thirdy, and I felt bad seeing him. Until now naandun pa rin yung sakit.

Pero this time, I totally understand saan galing yung sakit. And Jia was right, I was hurting too much because I have love him that much.

I was hurting not because nagkulang ako. Kasi yun ang mga katanungan lagi sa isip ko na hindi mawala-wala.

"Bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako niloko? Nagkulang ba ako? Ano pa ba ang pagkukulang ko bakit niya ako nagawang ipagpalit? Am I not good enough kaya naging ganun siya?"

Ilan lang yan sa mga naging pag-usig ko sa sarili dahil sa nangyari. Questions, a lot of questions I could not even answer.

Until I realized, there is nothing wrong with me. Hindi ako nagkulang. Hindi lang talaga siya nakuntento sa kung ano ang kaya kong ibigay.

And it pains me knowing I have given so much yet hindi pa rin naging sapat para sa kanya. Ganun ata talaga, hindi lahat natututong makuntento.

And now, he wants me back in his life. And I am torn between, giving him a chance and just forget what he did. But I know, a part of me will never forget what he did.

Hindi ko alam kung nakailang bote na ako ng alak. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak para kahit ngayon lang wala akong maramdaman.

Pero nang akma na akong iinom someone just grab the bottle away from my hand. Tatarayan ko pa sana pero pag-angat ko ng tingin ko ay nakalimutan ko na ang magtaray.

BEA: "Tssskkkk. Akin na nga yan. Kumuha ka ng sarili mong bote, hindi yang nangunguha ka ng pagmamay-ari ng iba. Magnanakaw."

Wala sa loob na sentimyento ko sa kanya.

JIA: "Yung pagnanakaw ba talaga ng bote ang pinagmamaktol mo ang pagnanakaw sa boyfriend mo?"

Tanong niya na nakataas pa ang kilay.

BEA: "Pareho."

JIA: "Tama na yan. Ihahatid na kita pauwi."

Para siyang nanay na nanenermon sa anak na naglalaro ng computer games at kailangan ng umuwi.

BEA: "Maupo ka muna diyan. Ayoko pang umuwi."

JIA: "Magtetext ka sa akin na sunduin ka dito tapos ngayon ayaw mong umuwi."

Nakapamewang na siya sa tapat ko.

BEA: "Hindi naman kita tinext para sunduin ako. Kaya kita tinext kasi gusto kong samahan mo ako."

JIA: "Alam mong hindi ako sunog baga."

BEA: "Eh di diyan ka na lang panuorin mo akong umiinom or di kaya kwentuhan mi ako habang umiinom tayo."

JIA: "So gagawin mo akong story teller at taga aliw mo?"

BEA: "I just need someone to talk too and someone I can ask questions. And I am comfortable talking with you."

JIA: "Kung tungkol na naman ito sa Ex mong naglandi, pwede ba ako na nagsasabi sayo, itigil mo na. Kasi sa nakikita ko, nahihirapan ka lang lalo."

Wika niya at naupo na sa bakanteng chair.

BEA: "Ano ang itigil ko?"

Akmang dadamputin ko ang hawak na bote kaso inilayo niya sa akin.

JIA: "Ang gulo mo kasi. Isang araw gusto mo bigyan ng chance, kasunod na araw natatakot ka na naman, kaya ayaw mo na. Pwede ba magdesisyon ka, kung bibigyan mo pa siya ng chance or hindi na para pareho na kayong makapagmove on."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon