27 - NEW

639 21 0
                                    

BEA POV

Nagising ako nang maramdaman kong namamanhid at masakit na ang kaliwang braso ko. Pagmulat ko ng mga mata ay medyo nagulat pa ako ng mapansing may ibang tao akong kasama sa bed.

Medyo napapiksi pa ako kasi wala naman akong katabi kapag natutulog. Pero ngayon meron akong katabi at sa braso ko pa nakaunan ang ulo.

Pero unti unti ay rumehistro sa utak ko ang mga pangyayari kagabi. Kaya instead na magpanic sa babaeng katabi ko ay dahan dahan akong kumilos para hindi siya magising.

Nakaunan kasi ang ulo niya sa braso ko at nakaharap siya sa akin kaya kailangan kong kumilos ng mabagal. Yung kamay niya magkasalikop sa pagitan naming dalawa.

Ngayon lang ako natulog na may katabing iba at isa pang babae na hindi naman malapit sa akin. Pero hindi ako nakaramdam ng kahit ano mang awkwardness.

Bagkus ay napangiti pa nga ako ng maalala kung bakit siya ngayon ay  nasa bed ko at katabi kong natulog. Alam kong ma pride siyang tao at pareho kami, pero kinain niya ang pride niya dahil lang sa takot siya sa mumu.

"Hahaha... Ang tapang niyang makipagtalo, duwag naman pala sa multo. Hahaha." (napapangiti na wika ko sa isip)

And I was smiling as I look at her peaceful face. Infairness naman sa kanya, napaka amo ng mukha niya. Para siyang anghel kapag natutulog.

"Hmmmm. Not bad at all, may tinatago din talaga siyang likas na ganda. Natatakpan lang ng mga kasungitan niya." (patuloy na wika ko sa isip)

Iniangat ko ang ulo niya ng dahan dahan para matanggal ko ang kamay ko masakit na sa braso eh. Hindi muna ako bumangon, inaabala ko ang sarili ko na titigan lang siya habang himbing na natutulog.

Medyo nakaka engganyong tingnan ang mukha niya. Ang amo lang tingnan ang mukha niya at the same time ay maaliwalas.

"I can stare at her all day long ng hindi nakakasawa. And her lips, parang nangungusap at nag aanyaya."

Pinilig ko ang ulo sa naging isipin. Bakit ko naman naisip na okay lang titigan siya maghapon at napunta pa sa labi niya.

Kaya naman bago pa dumako ang mga kung anu anong isipin sa utak ko ay bumangon na ako pero dahan dahan lang at baka magising siya.

Naghilamos lang ako sandali at nagtootohbrush then, bago bumaba na sa kusina para magluto ng aming agahan.

Naglagay ako ng apron sa katawan at sinimulan ng magtrabaho sa kusina. Habang nag-aayos ng mga kagamitan at nagluluto ay kumakanta ako para naman malibang.

Chasing Cars
by Snow Patrol

We'll do it all
Everything
On our own

We don't need
Anything
Or anyone


Napapanod pa ako ng ulo habang kumakanta trying to blend with the tune of the song.

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Napapangiti pa ako at lalo pang ginanahan na kumanta. Hindi naman ako singer sadayng mahilig lang ako kumanta kahit ayaw nila.

I don't quite know
How to say
How I feel

Those three words
Are said too much
They're not enough

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon