12 - MISSING

569 24 0
                                    

BEA POV

Habang busy si Thirdy at naging abala na sa naging kausap niya  kanina ay nag swimming na lang ulit ako sa may pool.

Nandun pa rin sa pool ang mga friends ko at may pinagkakaguluhan sila. Nadatnan kong si Isaac ang kinukulit nilang paaminin kung sino ang crush.

Pero ang pinagtataka ko lang ay ang naghiyawan sila pagdating ko malapit sa kanila. Tapos kay Isaac na sila nakatutok.

ANTON: "Come on Isaac, who is your special girl na?"

Pagpupumilit ni Anton, siya talaga ang nagsimula ng kaguluhan.

MATT: "Ayaw pa kasi umamin. Baka naman boy ang gusto mo ah."

Dagdag pangungulit niya kung kaya ay nagtawanan silang lahat.

ISAAC: "Dxxn Matt. I'm not gay. Baka ikaw. Hahahaha."

Nakasalubong pa ang kilay niya sa kaharap.

AARON: "Come on Isaac, sino nga dude?"

Nakisali pa sa kalokohan nila si Aaron at pinalo pa sa balikat ang isa.

ISAAC: "Fine, just for you guys to shut up and to stop bothering me again. Your presence is pissing me off."

Bigla siya natahimik at tumingin sa mga nasa pool. He was so hesitant at first na parang ayaw pa lumabas ng mga salita sa mga labi niya.

Napakamot pa siya sa batok dahil na stress na ata siya sa mga kaibigan. Kaya lang ay wala naman siyang choice kundi ang umamin or else hindi siya titigilan ng mga mokong.

ISAAC: "I like Bea."

Wika niya na nakangiti at nahihiyang tumingin sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya at hindi na siya ngayon makatingin ng diretso sa akin.

ELLA: "Isaac, hindi namin nadinig. Hahaha."

Napakamot nalang si Isaac sa ulo.

ISAAC: "I said Bea po ate Ella."

Nilakasan na niya at dahilan para lumakas ang tawa nila.

MATT: "Ayun oh. Hahaha... Thirdy, kabahan ka na. Hahaha."

But Thirdy was not around. He is nowhere to be found. I don't even know what makes him busy at kani a pa siya nasa phone.

Kanina pa siya umalis at may kausap pero hindi pa rin bumabalik. Hindi ko na rin hinanap baka nga importante.

MIKE: "Adriene likes Bea to. Hahaha."

ELLA: "Bei, ano naman ang masasabi mo sa pag-amin ni Isaac? Bet ka daw ni Isaac."

Walang prenong sigaw ni ate Ella. Balak pa ata na ipagsigawan ang bago niyang nalaman.

BEA: "Daldal mo po ate Ells."

MICH: "Haba ng hair. Tindi mo, crush ng bayan... Pahinging buhok Bea. Hahahaha."

LIZ: "Nasayo na lahat. Kagandahan, kayamanan, kagalingan pati ba naman ang mga kalalakihan sayo parin?!" Hahahaha."

Napailing na lang ako sa kanila. Minsan talaga kakaiba ang mga trip nilang lahat.

KIEFER: "Saan na boyfriend mo Bei?"

BEA: "I don't know, kanina po may kausap eh. Di ko nga po alam kung saan siya nagpunta. Kanina nandiyan lang pero umalis po eh."

ANTON: "Nako, baka may chicks na yun. Hahahaha."

TYLER: "Nako hanapin mo na, baka may iba nang kausap yun."

Tumawa lang ako at sinakyan na lang ang kalokohan nila. Lumangoy na lang ako sa pool at iniwasan sila. Well, lumangoy na rin ang iba kasabay ko.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon