41 - WARM

628 25 4
                                    

JIA POV

Isang oras din halos ang inabot bago tumila ang ulan. I waited for awhile baka sakaling dumating na si Bea or magtext siya na aalis kami.

Pero nakalipas ang 20 minuto wala pa ring text galing sa kanya. Kaya naman ay nagdecide na ako na itext siya. Pero walang response from her.

Naghintay ako pero wala pa rin. After 10 minutes ay may sunod sunod na katok akong narinig. Kaya binuksan ko ito. And Bea was there outside standing.

She is expressionless. Hindi ko malaman kung wala lang siya sa mood or badtrip ba siya. Hindi ko na lang pinansin.

Tumalikod na siya at naglakad kaya sumunod na ako sa kanya. Ang sungit niya may buwanang dalaw ata ang isang ito.

Naglakad na kami palabas ng building nang tahimik at wala pa ring kibuan hanggang sa makapasok kami sa kotse. Para kaming strangers sa isa't isa.

Hanggang nasa byahe na kaming dalawa ay wala pa ring bumasag ng katahimikan. Kaya ako na mismo ang unang nagsalita.

JIA: "Do we have a problem here?"

Mahinahon na wika ko while looking at her. Napalingon siya sa direksiyon ko pero hindi rin naman kumibo. Tiningnan lang ako sabay bawi din ng tingin.

JIA: "Seriously? Are we gonna stay this way buong byahe?"

Medyo may pagkairita na sa boses ko.

BEA: "I'm sorry Jia, but I am not into conversation right now."

Walang buhay niyang wika. The same voice she had nung nagpunta kami sa probinsiya. That was the time na nalaman niyang nagloloko ang boyfriend niya.

I was just looking at her now, nasa daan ang focus niya.

JIA: "Stop the car."

Kaya naman ay napatingin siya sa akin at nakakunot ang noo.

JIA: "Itabi mo muna ang kotse."

Nakinig naman siya at itinigil ito sa gilid kahit puno ang mukha niya ng pagtataka. Tinanggal ko ang seatbelt at lumabas ng kotse.

Umikot ako sa kabilang side at kinatok, binuksan naman niya ito.

BEA: "What?"

Parang iritable pa siya sa pagsagot. Yung mukha niya bad mood talaga.

JIA: "Get out of the car, I'll drive."

Utos ko sa kanya na lalo lamang nagpakunot ng kanyang noo.

BEA: "I can drive."

JIA: "Basta, lumabas ka diyan."

Hindi na rin siya nakipagtalo. Lumabas siya at umikot sa kabila. Ako naman naupo na sa driver's seat. Pagpasok niya, punaandar ko na ang kotse.

BEA: "What's with the driving thing?"

JIA: "Wala naman. Nababaliw akong nakaupo diyan at walang ginagawa at the same time walang kausap."

BEA: "Hindi ka na mababaliw. Kasi matagal ka nang baliw."

JIA: "Look who's talking."

Pero nanahimik lang siya after. Kaya hinayaan ko na lang. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsalita din naman siya ulit.

BEA: "What would you do, if someone you love betrayed you. But then, would go back and ask for a second chance."

Mahina lang na pagkakasabi niya pero sapat na paraaintindihan ko.

JIA: "Are we talking about your axxhxxx ex?!"

Diretsahan kong wika sa kanya.

BEA: "Exactly."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon