57 - RIGHT

603 26 14
                                    

JIA POV

JHO: "Julia Melissa, wala ka bang balak sagutin yang phone mo? Kanina pa yan nagriring."

May pagtataray niyang wika kaya napatingin ako sa kanya at palipat sa phone.

Paano ko naman sasagutin ang phone, ang nakaregister na pangalan ay ang dad ni Bea. Nung unang mabasa ko ito, balak ko sanang i-off, kaso naisip ko na baka magalit ang dad niya sa kanya kapag nagkataon.

Kaya hinayaan ko na lang, thinking na titigil din ito kakatawag kapag hindi sinagot. Kaso ang persistent naman ata ng dad niya dahil hindi naman tumigil.

JIA: "Excuse me for awhile."

Kaya tumayo ako at umalis muna sa sala. Wala akong ibang choice kundi ang sagutin ang tawag. Naisip ko rin kasi na baka emergency kaya ganun.

JIA: "Hello."

Malumanay kong sagot sa phone.

ELMER: "Why do you have my daughter's phone?"

Puno ng pagtataka ang boses niya. Alam agad na hindi ako si Bea.

JIA: "Sorry sir but she left her phone. It has been ringing so I answered it because it might be important."

Pagpapaliwanag ko na lamang dito.

ELMER: "Is she somewhere around, can you give the phone to her?!"

Napalunok ako, ang sungit kasi ng tono ng boses ng dad niya. Kaiba ang dad niya ngayon na nakakausap ko kumpara sa nakakausap ko kapag may business meetings kami.

JIA: "I'm sorry sir. But she is not around for now. If she returns, I will tell her to call you back immediately."

ELMER: "Are you one of her friend?"

JIA: "Yes."

Matipid na sagot ko sa kanya.

ELMER: "Please tell her to call me as soon as possible."

JIA: "Yes sir."

ELMER: "Thank you."

Sabay off niya sa kabilang linya. May emergency kaya sa kanila? Or about business matter. But regardless, dapat masabi ko agad ito kay Bea.

Ang problema, paano ko naman ito masasabi sa kanya. Na andito pa ang mga kaibigan ko at si Miguel. Mukhang walang balak ang mga ito na umuwi na.

"Paano kaya ako makakapasok sa room para ibigay ang phone? Ano naman ang sasabihin ko na alibi para makapunta sa room?" (wika ko sa isip)

Nang walang maisip na paraan, bumalik na lang ako sa sala.

PONGS: "Pambihira, wala ka na nga sa opisina pero may trabaho ka pa din."

JIA: "Ganun talaga. Business eh."

MIGUEL: "Kaya ka nagkakasakit eh. Puro ka trabaho. Uso din magpahinga babe."

JHO: "Buti nga ngayon naisipan niyang di pumasok."

JIA: "Tigilan niyo nga ako. Kung ayaw niyo mag trabaho, eh di wag. Di ko naman kayo pinakikialaman."

MADDIE: "Sige, hintayin mong maospital ka bago mo maisip magpahinga. Akala mo naman mamumulubi ka kapag nagpahinga ng ilang araw from work?!"

JIA: "Umuwi na nga kayo."

Pagtataray ko sa kanila.

TREY: "Bakit ba kanina mo pa kami gusto pauwiin?"

JIA: "Ang daldal niyong lahat eh."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon