9 - LOVING

668 22 0
                                    

BEA POV

I was on my way sa isang resto dahil magkikita kami nina Liz at Laine ngayon. Kakain lang at kwentuhan. Biglang yaya lang naman.

Sakto naman na hindi pa ako kumakain kaya pumayag na ako na lumabas. Pambawi nilang dalawa dahil sa ginawa nilang kalokohan.

Napagkasunduan na sa isang malapit na place na lang kami magkikita. Kaya tumuloy na agad ako sa place. Pagdating sa resto ay tumuloy na ako sa VIP room.

But to my surprise ay ibang mukha ang nakikita ko sa loob ng room.

"Dxxx. Mali ako ng pinasukan."

Hindi naman na ako nagtanong kasi dito naman kami madalas magpareserve. Kaya alam na ng mga taga dito. Nakabukas kasi ang ilaw kaya akala ko nandito na yung dalawa.

Yun nga lang sa kasamaang palad, na wow mali ako. Pagligid ng mga mata ko sa loob ng room may isang familiar na mukha akong nakita.

"Kapag minamalas ka nga naman talaga. Si Morado pa ang nandito."

At syempre dahil sa ayoko mapahiya sa harap niya, siya na lang ang napagtripan ko.

Kaya nagkunyari na lang ako na mag-uusap kami for an emergency meeting. Pero wala naman talaga ako sasabihin. Hahahaha.

Kaso nabwisit siya at tinarayan ako kaya pinagbantaan ko siya na kakaladkarin ko kapag hindi siya makikipag-usap sa akin.

Kaya napilitin itong tumayo at naglakad palapit sa pinto. Sa kasamaang palad ay bigla ba naman akong sinikmuraan.

Hindi ko inasahan yun at isa pa ang lakas ng pagkasimura niya. Sinadya talagang nilakasan. Halata sa mukha niya ang inis eh. Kaso gutom pa ako.

Kaya pagpasok sa kabilang room ay nagbangayan na kaming dalawa hanggang sa tuluyang naiinis na naman siya ng sabihin kong nakalimutan ko ang mga sasabihin sa kanya.

At sa sobrang inis sinipa niya ako sa paa. Masakit ang sipa niya. Ang hilig talaga niya manakit. Nakakarami na siya sa akin. Hindi pwedeng hindi ako makakabawi.

Habang hinihimas ang paa ko na nasaktan, biglang tumawag si Liz. And adding to my misery, hindi na raw makakarating ang dalawa may emergency daw.

Napaisip muna ako bago tumayo. Since sira na ang araw na ito, might as well sirain ko na rin ang araw ng kaaway ko.

"Hehehehe... Humanda ka sa akin ngayon. Gaganti ako sayo. Lintik lang ang walang ganti." (wika ng isip ko)

Kaya naman tumayo na ako at nag-ayos ng sarili. Huminga ng malalim at naglakad na ako papasok pabalik sa VIP room kanina at tuloy-tuloy sa tabi ng target ko.

"Kapag pinagpala ka nga naman talaga, tingnan mo nga naman at bakante sa katabi niya. At Mukhang kakampi ko pa ang langit ngayon."
😀😀😀

Pagkaupo ko, I look at them inside the room na puno ng pagtataka ang mga mukha.

"Hi! I'm Isabel Beatriz de Leon. I am Morado's friend. Nice meeting all of you."

Bati ko sa mga taong nandun sa room sabay kuha ng pinggan sa harap ni Morado at tinidor at sinubo ang pasta na nakalagay dito. Wala kasing available na ibang utensils eh.

Akmang isusubo ko na yung pagkain sa pangatlong subo pero ng tingnan ko sila, all eyes on me. And si Morado ay bigla na lang hinawakan ang kamay ko na may hawak na tinidor.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon