48 - DOING

595 20 2
                                    

BEA POV

"What the hell... What the hell am I doing?" (hindi makapaniwalang usal ko sa isip)

Hindi ko alam kung gaano ko na katagal tinititigan ang magandang babaeng katabi ko na nakahiga sa papag ngayon.

Nung medyo matirik na ang araw ay nagdesisyon kami na magpahinga na muna. Isa pa ay gusto niya muna matulog. Maaga kasi siya nagising kaya nakaramdam na agad ng antok.

Since isa lang naman ang papag dun sa lugar, magkatabi kaming nahiga at natulog. Okay lang naman sa kanya na sa papag kami pareho.

Ang lupet lang niya, kasi pagkahiga niya after few minutes tulog na. Samantalang ako, hindi makatulog. Kaya naman tiningnan ko na lang siya habang natutulog.

And I find her beautiful while she sleeps. I can't seem to take away my eyes off her. May kung anong magnet ang humahatak sa akin para tingnan siya.

Hindi ko namalayan, ang buong atensiyon ko ay nasa kanya lang. Habang tinititigan siya ramdam ko ang kakaibang kabog ng dibdib ko.

I have never allowed anyone to invade my privacy. But this woman has gotten so far beyond my expectation.

She had seen me when I was so vulnerable. I never thought na makakasama ko siya at makakasundo ng ganito. Though madalas kaming magtalo.

Ang unsual lang ng kung anong meron kami. Sa totoo lang, if people would ask personally about me and her, I could not even explain it.

Aside from the fact na business partner kami, alam ko sa sarili ko at alam din niya na we are both way more than just a casual business partner.

And I don't know if I even consider her as a friend or a close friend. Nagkataon lang ata na during my worst time she happened to be there.

Hindi rin nakatulong na nagkaroon ng intimacy between us. How I wish nalasing na lang ako at walang naalala kagaya niya.

Kasi mas nakakatrouble sa akin na naalala ko ang halikan na namagitan sa amin sa Batanes. There are times kasi, I felt like I wanted to kiss her lips. Lalo na kapag napapadako ang mga mata ko sa mga labi niya.

Just like now, the thought of kissing her again, the thought of wanting to feel her lips to mine, nararamdaman ko na naman.

It seems like my body has a mind of their won, I was tempted to almost touch her face buti na lang ay napipigilan ko pa ang sarili ko. Good thing ay hindi siya nagigising.

And just like now, unti unti na naman lumalapit ang kamay ko sa mukha niya. Napapikit ako and take back my hand.

"What are you doing Beatriz? Get rid of those thoughts." (usal ko sa isip)

Kahit ako hindi ko maintindihan ang inaakto ko. Kaya bumangon na ako at baka saan pa mapunta ang mga kakaibang kinikilos ko.

I take a look on the person sleeping comfortably before I stand up and leave her. Pumunta ako sa isang bato sa ilalim ng puno.

Since hindi naman ako makatulog, magpapahangin na lang ako. I stretch my hands to release the tension I felt. Feeling ko kasi ang bigat ng katawan ko.

"You have to think straight Beatriz. You have been acting and doing weird things. Dxxx hormones, nakakahiya kay Jia kapag nalaman niya mga iniisip ko right now." (inis na usal ko sa sarili)

"Well, normal lang naman na makaramdam ka ng ng ganyan sa kanya kasi nga sa nangyari sa inyo sa Batanes. Kaya okay lang yan." (singit naman ng utak ko)

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon