JIA POV
Naandito ako sa Tagaytay ngayon sa pagmamay-aring ranch ng mga De Leon. Pumayag ako sa idea niya, para na rin matapos na ang blue print ng gagawing proyekto.
Kailangan din kasi paglaanan ng oras at panahon ang proyekto. We both need time and space to work nang walang anumang gulo at istorbo para makapagfocus.
Pumayag naman si papu at ganun din ang dad niya na mawala muna kami ng ulang araw. We deserve the time and space we need para daw matapos na at mapaganda ang proyekto.
Kaya after three days ng tanungin niya ako, ito nasa Tagaytay na nga kaming dalawa. Dumating kami sa lugar ng almost 4:00 ng hapon.
Pagkadating ay kumain muna kami. Nagpahanda kasi sila ng snacks, well kung snacks bang matatawag yun sa dami ng mga nakahain sa table.
Kaya heto nakatambay kaming dalawa sa isang cottage sa ranch nila dahil nagpapahinga dala na rin ng kabusugan. Ang sarap kasi ng hinain nilang pagkain.
BEA: "Nabusog ka ba?"
Tanong niya nang makaupo sa katapat na pwesto ko. Nakaharap kaming dalawa sa malawak na tanawin habang nakaupo at nakasandal sa upuan.
JIA: "Naman. Ang sarap kaya ng mga pagkain. Feeling ko bibitayin tayo sa dami ng inihanda niyong pagkain."
BEA: "Mabuti naman at nabusog ka. Ayokong nagugutom ka lalo at naandito ako."
JIA: "Nagsisimula ka na naman."
BEA: "Hindi ako papayag na mamatay sa gutom ang mahal ka."
Umandar na naman ang paglalandi niya.
JIA: "Dapat talaga hindi ka na lang pinakain eh. Kapag busog ka kung ano ano na lang mga sinasabi mo."
BEA: "Hahahaha. Salamat pala at mas pinili mo ako kaysa sa jowa mo. I'm touch."
Paglalambing niya sabay ngiti ng nakakaasar.
JIA: "Feeler ka. Wala lang akong choice no."
Pambabara ko sa kanya. Sanay naman na siya sa akin kaya kahit anong sabihin ko sa kanya hindi naman niya siniseryoso. And madalas na ganito lagi ang convo naming dalawa.
BEA: "Buti at pumayag siya."
JIA: "Wala naman siyang pagpipilian."
BEA: "Hindi ba siya nagalit sa mga issue na naglabasan about us?"
JIA: "Naiirita lang pero hindi naman nagalit."
BEA: "Bakit naman siya nairita?"
Napatingin ako sa kanya at ganun din siya. Medyo nakakaramdam ako ng kakaiba sa paraan ng pagtingin niya.
Well, there are times that there is something with the way she looks at me. Minsan, nakakaramdam ako ng pagkailang. But I just don't show it.
JIA: "Bakit daw tayo pinipair eh, kami ang magjowa tapos may boyfriend ka naman. Tapos nagtrend pa yung "JiBea" issue."
BEA: "Seloso pala ang jowa mo eh."
JIA: "Mahal ako eh."
BEA: "Mahal din naman kita."
Siningkitan ko siya ng mata. Lakas na naman kasi ng amats niya eh.
BEA: "Bakit ganyan ka makatingin?"
JIA: "Nang-aasar ka na naman kasi."
BEA: "Mahal naman talaga kita.... as a friend."
Dagdag pang-asar niya. Matagal pa bago niya dinagdag yung as a friend.
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...