JIA POV
I was on my way now heading back to the office kaso nabadtrip ako sa tagal ng traffic kaya instead na tumuloy pa sa office ay dumaan muna ako sa kaibigan ko.
Ang init na nga ng ulo ko dahil sa kagagawan ng magaling na si De Leon, isama mo pa ang mahabang traffic. Nakakagigil talaga ang araw na ito.
After 30 minutes, nakarating rin ako sa opisina ng close friend ko. And pagkakita sa akin ay salubong ang kilay niya.
What a friend! Siya lang ang nakakikita ng kaibigan na kunot noo ang isasalubong. Pambihira.
JHO: "Oh! Anong ginagawa mo dito?!"
Biglang wika niya at medyo nagulat pa ng makita ako. Parang galit pa nga ata.
JIA: "Wow Jhoanna ah. Yung paraan ng pagkakasabi mo sa akin, parang pinagtatabuyan mo na ako."
May pagtatampo kong angil sa kanya. Para kasing pinapalayas na niya ako sa opisina niya, samantalang kararating ko lang.
JHO: "Hahahaha. Hindi naman sa ganun. Nakakagulat ka lang kasi. Bigla ka na lang dumalaw dito na walang pasabi. Anong meron?"
Wika niya at inayos ang mga papeles sa table niya. Nangingiti pa rin siya sa tinuran niya.
JIA: "Kailangan pa ba magkaroon ng dahilan para lang dalawin ang isang kaibigan?"
Tiningnan ko muna siya ng mataman pagkatapos ko maupo sa isang chair katapat na table niya.
JHO: "Sa kagaya mo? Oo."
Sabay tawa niya ng malakas. Mapang-asar talaga.
JIA: "Minsan na nga lang ako dumadalaw dito, nang aasar ka pa."
JHO: "Ayun na nga ang nakakagulat dun. Minsan ka na nga lang dumalaw. At yung ngayon hindi pa counted sa minsan mong pagdalaw. Hahaha."
JIA: "Hsssssttttt."
JHO: "Seriously, anong atin at napadalaw ka? Huwag mong sabihin na break na kayo ni Miguel at liligawan mo na ako?"
Tumayo na siya sa swivel chair at naglakad palapit sa akin.
JIA: "Baliw ka Jhoanna. Sapakin kaya kita ng maalog yang utak mo."
JHO: "Hahaha. Highblood ka masyado."
Naglakad siya papunta sa isang sofa katapat ng working table niya at doon naupo. Kaya naman sumunod ako sa kanya at naupo sa tabi niya.
JIA: "Ikaw kasi eh. Mapang asar ka."
JHO: "So, bakit ka nga narito?"
Tiningnan niya ako ng makahulugan.
JIA: "Nothing."
Patay malisya ko sa kanya. Wala naman kasi ako balak magkwento sa nangyari kanina. Gusto ko lang magpalamig ng ulo kayo ako dumaan sa kanya.
JHO: "Pabebe pa eh. Magkwento ka na."
Tiningnan ko muna siya ng mataman. I was thinking kung ikwekwento ko pa ba sa kanya or huwag na lang. Kasi mangungulit siya.
Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. She was actually waiting for me to speak up.
JIA: "The partnership with the PARLEON group was positive."
Paninimula ko, expecting na dun mafofocus ang pag-uusap namin.
JHO: "I know. It is all over the newsfeed."
I look at her at tinaasan lang ako ng kilay.
JIA: "Okay. Hmmm. There is something strange that had happened kanina."
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...