JIA POV
Nakakahiya. Sobrang nakakahiya. Nakakahiya talaga.
Yan ang tumatakbo sa isipan ko ng marealize ko ang naging katangahan ko kanina.
Nagkaroon tuloy ng dahilan ang bastos na yun na pagtripan ako. Bakit ba naman kasi sa kanya pa napunta yung text ko para kay Miguel. Of all people, sa kanya pa talaga nasend.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa nangyari. Kasi naman hindi ko muna tiningnan bago magsend. Nakakahiya lang talaga. Pahamak, kainis.
I just couldn't believe my sxxxxxness. Gusto ko talaga na mapamura sa nangyari. Nagising talaga ang buong diwa ko sa text message na yun.
I was ranting on her and was about to rant more only to find I was wrong. And it was so humiliating at napalitan ng irritation knowing na gagamitin na naman niya ito against me.
Malay ko ba na namang ako ang mali nang nasend. Tapos ganun pa ang message niya. And I know na tatawa tawa siya by now dahil sa naging pagkakamali ko.
Hindi na talaga ako natahimik pa sa isang malaking kapalpakan. Habang napapaisip ako, narerealize ko rin na hindi lang dito matatapos ang nangyari.
I have a feeling na gagamitin na naman niya ito against me. Yun pa ba? Lakas niya mambwisit. Paano pa ako makakaharap nito sa kanya?
For sure pagtatawanan lang niya ako ng todo at lalo lang niya ako aasarin at bwibwisitin. I can see smirk all over her face.
"Grrrr.. Grrrr.. Grrrr.. Aghhhh." (inis na pagmamaktol ko)
Pero bago pa ako tuluyang masiraan ng ulo kakaisip sa pwedeng mangyari sa pagkikita namin, ay minabuti ko na matulog na lang.
Tiningnan ko ang orasan nagulat pa ako kasi 1:30 na pala in the morning. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Kaya nilapag ko na ang phone sa may table para makatulog na rin.
Pero yung tulog ko feeling ko ay idlip lang. Kasi pagmulat ko ng mata it is already 6 in the morning. Yung mata ko bumabagsak pa ang mga talukap sa antok.
Antagal pa kasi bago ako makatulog. Halos mag alas tres na rin yun nang tuluyan ako makatulog. Kaya hirap ako gumising now sa sobrang antok.
Since I am not in the mood to wake up, ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Hindi ko pa nilalasap ang pagpikit ng mga mata ko, sunod sunod na katok naman ang narinig ko mula sa pinto.
And I know it was Mamu's way of waking me up. Alam niya kasing pupunta ako ng opisina. And she would always wake me up kapag 6:00 AM na at wala pa ako sa baba.
She knows na late na naman akong nagising. Kaya naman it is her way of reminding me that I have to get up and fix myself.
I groan habang napipilitan na bumangon. Nagkusot ng mga mata wishing na sa ganung paraan ay madidilat ko ito. Kaso, ayaw niya bumuka at ang hapdi pa sa mata.
Bumuntong hininga muna ako, naupo sa gilid ng bed, nag relax for awhile bago ko iminulat ang mga mata at tumayo para magpunta sa banyo.
Pagkatapos magsipilyo, inayos ko ang mga susuotin for the day. Inayos ko din ang aking bed at mga dadalhin. After nun ay naligo na ako sa banyo.
After akong maligo at makapagbihis, bumaba na ako para makakain. Andun na silang lahat sa hapagkainan at ako na lang ang wala.
JIA: "Good morning."
Bati ko sa kanila at sinuklian naman nila ito ng isang pagbati at matatamis na mga ngiti.
As usual, kwentuhan at katuwaang pamilya ang namayani sa naging pag-aagahan. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang kwento.
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...