68 - SLEEP

663 28 6
                                    

BEA POV

Katatapos ko lang maligo. Naglaro kasi kami ni Jia sa ulan kanina. At dahil natalo siya bigla na lang nag walk out. Asar talo talaga si Morado.

After makapagbihis, lumabas ako ng room dahil nakaramdam ako ng gutom. Mag-iinit muna ako ng soup. Nagtext si Manang kanina, nagluto daw siya ng soup dahil alam niyang uulan. Masarap sa tag-ulan ang soup.

Dumiretso na ako ng kusina at nag-init ng soup. Gumawa din ako ng toasted bread. For sure gutom na rin ngayon si Jia. Mas matakaw kumain sa akin yun. Mas marami siyang alaga sa tiyan.

Nag-init din ako ng water baka kasi gusto niya mag coffee. Nag-ayos ako ng mesa. Pero naisipan ko na dalhin na lamang ito sa sala para makanuod kami ng TV habang kumakain.

When everything is done and settled, pumunta na ako sa room ni Jia para tawagin siya. Kumatok ako sa pinto at binuksan naman niya agad.

Tinaasan pa ako ng kilay pagkakita sa akin. Kaya naman hinawakan ko ang kilay niya.

BEA: "Wala nang effect sa akin yang ganyang taas kilay mo na yan. Sanay na ako diyan. Halika na, kain na tayo sa baba. Naghanda ako ng makakain sa sala."

Tinapik niya ang kamay ko.

JIA: "Sunod na ako. Mauna ka na."

BEA: "Bilisan mo baby ah. Baka kasi lumamig yun."

JIA: "Oo na. Alis na kasi."

Kaya iniwan ko na siya at bumaba. I turn on the TV while waiting for her. After few minutes ay bumaba na siya at naupo malapit sa kinauupuan ko.

BEA: "Kain na tayo."

Inabutan ko siya ng soup at platito na may toasted bread.

JIA: "Thanks. Gutom na nga ako eh."

BEA: "Kaya nga nagluto ako ng makakain, kasi alam kong gutom ka na. Coffee, you want?"

JIA: "Kung ipagtitimpla mo ako why not?"

Nakangiai niyang wika alam niya kasi makakaisa siya.

BEA: "Inaalila mo ako baby ah. Pinagluto na nga kita tapos ngayon gusto mo ipagtimpla pa kita. Pero sige, dahil mapagmahala akong baby ipagtitimpla kita."

JIA: "Hahaha... Sorry na, mabait ka naman kaya aabusuhin ko na."

BEA: "Hindi ako mabait, sweet lang talaga ako. Here is your coffee maam."

Sabay abot ng tasa na may kape.

JIA: "Thanks. Bagay. Hahaha."

BEA: "Bagay talaga. Bagay ako sayo."

Sabay turo ko sa kanya at may kasama pang kindat.

JIA: "Ayan kumain ka na."

Sinalaksakan ba naman niya ng toasted bread ang bunganga ko. Salbaheng Morado.

BEA: "May naisip na akong premyo."

JIA: "Hindi naman natapos ang game kaya walang nanalo."

BEA: "Nagwalk out ka kaya. It means forfeited, kaya automatic panalo ako."

JIA: "Sarap ng soup."

BEA: "Masarap talaga yan. Si Manang kaya ang nagluto. Kaya madalas ako umuuwi dito kasi masarap siya magluto."

JIA: "Hindi ka ba sinipon?"

BEA: "Hindi ah. Anong akala mo sakin weak?"

JIA: "Hindi ba? Nung nasa family reunion tayo nahamugan ka lang sinipon ka na. Akalain mo, CEO pero sipunin. Hahahaha."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon