10 - GOING

679 20 0
                                    

JIA POV

It has been a week mula ng naging encounter namin ni De Leon sa resto kasama ang mga kaibigan ko. Isa yung nakakainis na pangyayari.

Buong linggo talaga akong hindi nagparamdam sa kompanya nila. At buong linggo rin akong inalaska ng mga kaibigan ko dahil sa insidenteng iyon.

Kaya tuloy kapag naalala ko siya nakakainit siya ng ulo. Nakakasira siya ng araw ko. Buti na lang at walang meeting ng  mga nakaraang linggo kaya, tahimik ang buhay ko.

Pero ngayon, nagkaroon kami ng emergency meeting sa hindi ko malamang dahilan. Tumawag kasi ang sekretarya ng kompanya nila at may meeting daw agad agad.

JIA: "Ganito ba ka workaholic ang kompanya nila? Kung maisipan mag meeting may meeting kahit busy ang iba?!" (naiinis kong wika habang nasa byahe papuntang PARLEON building)

Naiinis kasi ako kapag ganito ka demanding sa oras. Dahil may sarili naman akong buhay. May social life din ako.

JIA: "Paano na lang kaya kung may schedule pala ako ng bakasyon ngayon? Tapos bigla tatawag sila ng ganyan. Gigil nila talaga ako."

After 30 minutes ng byahe papuntang PARLEON company ay nakarating rin ako ng matiwasay at puno ng sama ng loob.

Since alam ko na ang building nila tumuloy na ako sa pagdadausan ng meeting. Napaka bait lang ng mga staff nila, bumabati sila kapag pumupunta ako sa kompanya nila.

Pasipol-sipol pa ako sa elevator kasi maaga pa naman at alam kong mauuna akong dumating. But, when I entered the room, lahat sila ay andun na. Ako na lang pala ang wala kaya napakunot ang noo ko.

Ang usapan namin ay 9:00 am pa ang meeting pagtingin ko sa relo 8:30 pa lang. Pero lahat sila nakaready to fight na, may laptop sa mga harap nila at mukhang ako na lang ang hinihintay ng grupo.

"Ay iba ang mga to, ang tindi. Hanep, ang aga ng mga tao. Ang aga ko nang pinagplanuhan na dumating, ending late pala ako kumpara sa kanila. Badtrip! Woah badtrip."
(usal ko sa isip)

When I take a look at their boss, saglit lang ito tumingin sa akin bago siya nagsalita at naupo sa pwesto niya.

BEA: "Since Ms. Morado is already here and the group are all complete, might as well, start na tayo ng meeting natin."

Medyo nagulat ako dun sa sinabi niya. I was expecting na chill chill muna kaming lahat kasi 8:30 pa lang naman.

Pero seryoso siya, hindi mo rin mababakas sa mukha niya ang isang Bea de Leon na puno ng pang-asar at nambwibwisit lang ng araw.

Her working face is game on. Kaya naman umupo na ako sa pwesto ko at inayos ang mga gamit ko. Lahat sa loob ay tahimik na.

Then, tumayo na siya sa loob and confidently presented her agenda. Honestly, business wise magaling talaga siya.

Siguro kung in good terms lang kaming dalawa ay  pinalakpakan ko na siya at may kasamang halik pa. Sa cheeks lang naman. Baka iba ang iniisip niyo.

When it comes to business matter, halata na iba ang level ng galing niya. Nakatrabaho ko na ang ilang magagaling na businessman sa bansa pero siya angat ang galing niya sa lahat.

Kaya naman lahat ng nasa meeting ang gaganda ng ngiti at napapa nod na lang at napapangiti sa mga paliwanag niya.

BEA: "Well, that's all. What can you say about the proposal?"

All of them, showed their support to the matter presented kasi attainable naman at something new and kakaiba na makakatulong sa partnership.

Lahat sila nag approve at sumang-ayon sa plano. Nagkaisa sila na ituloy ang plan.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon