33 - MOOD

655 19 1
                                    

JIA POV

Nasa isang malapad na waiting area kami ni Bea habang hinihintay ang pagdating ng bangka na sasakyan naming dalawa papunta sa Sabtang Island.

Naikot na kasi naming dalawa ang lahat ng mga magagandang tanawin ng North and South ng Basco Batanes. Kaya this time, sa kabilang isla naman kami mamamasyal.

BEA: "Baby, hindi ka ba nagugutom?"

Nagpanting na naman ang tenga ko kasi tinawag na naman niya akong baby. May iba kasi kaming kasama. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Pero ngumisi lang siya sa aki.n na labas ang ngipin na akala mo inosente at walang ginawang kalokohan. Kung kaya't sinimplihan ko siya ng sipa sa paa.

BEA: "Awww."

Reklamo niya pero hindi na nakapagsalita pa kasi dumating na ang hinihintay naming bangka.

TOUR GUIDE: "Maam pakisuot na po yung mga life jacket."

Sinunod ko ang tour guide pero nang maunang matapos mag-ayos ang malandi, lumapit sa akin at tinulungan ako.

Magrereklamo pa sana ako kasi kaya ko naman kaso bigla niya ako hinalikan sa labi. Kaya naistatwa ako sa kinatatayuan. Parang tumigil ang mundo ko sa pagkabigla.

Smack lang naman ang binigay niya bago ayusin ang life jacket ko. Nang makahuma ako sa nangyari bigla ko siya hinampas sa balikat.

BEA: "Ouchhhhh."

Salubong ang kilay niya at maiinis pa sana kaya lang inunahan ko na. Tinitigan ko siya ng masama.

Kaya wala siyang nagawa kundi ang maglakad na lang at sumampa na sa bangka. Nakasunod naman ako sa kanya.

"Bwisit siya. Bakit bigla na lang niya ako hinalikan? Tapos may mga ibang kasama pa kaming nakakita." (gigil na wika ko sa sarili)

JIA: "Kuya malayo po ba ang pupuntahan natin?"

Tanong ko sa tour guide nang umandar na ang bangka.

GUIDE: "Hindi naman po gaano maam."

BEA: "Sanay, ka ba bumiyahe sa tubig baby?"

Tanong niya at sa akin nakatingin. Magkatabi lang kami ng pwesto.

JIA: "Sanay naman. Bakit?"

BEA: "Mataas kasi ang alon sa dagat ngayon sa ganitong buwan."

JIA: "Mukhang safe naman itong bangka!"

BEA: "Safe naman. Lalo at naandito ako."

JIA: "Itulak na lang kaya kita sa dagat ngayon?"

BEA: "Hahahaha... Ang ganda mo talaga lalo kapag nagagalit ka."

JIA: "Ano namang trip mo de Leon? Aga aga nakahanap ka na naman ng aasarin mo."

BEA: "Naglalambing kaya ako sayo, ikaw nga itong inaaway ako eh."

JIA: "Grrrrr."

True to her words nagsisimula na ang pagdaan namin sa mga alon. Magalaw na din ang bangkang sinasakyan namin.

BEA: "Baby."

JIA: "Huwag mo nga sabi akong ma baby."

Sabay takip ko sa nguso niya. Pero hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako palapit sa kanya. Muntik na ako mapapsubsob sa mukha niya.

Buti na lang nakapagbalanse ako at nakakapit sa isang haqakan ng bangka.

JIA: "Sira ulo ka talaga. Balak mo ba akong pilayan?!"

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon