JIA POV
JIA: "Mukhang inspired ka after ng naging Cali-landi niyo ni Thirds ah?!" (nakangiting wika ko sa kanya)
Kararating lang nila ni Thirdy three days ago. Tapos, ito siya back to work na naman at ganadong magtrabaho.
After ko magsalita, tiningnan lang niya ako at wala man lang reaksiyon sa sinabi ko. Sobrang effort ko namang pinag-isipan ang sinabi ko.
JIA: "Ang sungit." (usal ko sa sarili pero sapat na para marinig niya)
One week silang nasa California ni Thirdy at sa buong linggo na yun ay never siyang nagparamdam sa akin. Kahit nga pagdating niya sa Pilipinas ay hindi man lang nagtext.
Nalaman ko lang na dumating sila a day after kasi tumawag ang secretary niya na magset ng appointment with me para sa ginagawang project.
Kaya ngayon ito kaming dalawa at magkasama na gumagawa sa opisina niya pero napipi na ata at hindi man lang nagsasalita. Tahimik lang siyang nagpipipindot sa laptop niya mula ng dumating ako.
Hindi ako nakatiis, kinuha ko ang isang papeles sa table at hinampas sa ulo niya. Ayun, sapul.
BEA: "Ouch. Why did you just hit me?"
Salubong ang kilay na inangilan ako. At mukhang siya pa ang galit. Atleast ngayon alam niyang nag-eexist ako after all.
JIA: "Baka kasi nauntog ka sa Cali. Nagbabakasali lang na kapag nahampas ko yang ulo mo ay bumalik ka sa dati."
Pinanlakihan ko siya ng mata habang kunot ang noo niya.
BEA: "What the hell are you talking about?"
Kung alam ko lang na may kakambal si Bea, masasabi kong ibang Bea ang kausap ko ngayon.
JIA: "Ewan ko sayo, hanap kang kausap mo. Kung ayaw mo makipag-usap eh di sana hindi ka na nakipag appointment para sa project na ito."
Sabay kuha ng mga papel ko sa table at tumayo na. Mukhang wala naman siya sa mood magtrabaho. Kaysa naman mapanis ang laway ko sa kanya at magtalo kaming dalawa. Mas nanaiisin ko na matulog na lang ako sa bahay. Atleast yun worth it.
BEA: "Why you didn't message me at all when I was in Cali?"
Wika niya ng malapit na ako sa may pintuan. And her voice is serious. Pero tama ba ang narinig ko sa sinabi niya, tinatanong niya ako bakit hindi ako nagmessage.
"Sira ba siya? Siya nga itong hindi man lang nakipag communicate sa akin mula ng umalis hanggang pagdating. Tapos siya pa ang may ganang magtanong." (angil ko sa isip)
I turned around and look at her in disbelief. She was looking at me.
JIA: "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo?"
Tinaasan ko na siya ng kilay.
BEA: "Lagi kang naka online everynight. Pero bakit never mo akong kinamusta man lang?!"
Napanganga ako sa kanya.
"So iniexpect niya talaga na ako ang unang magmessage sa kanya?" (hindi makapaniwalang wika ko sa isip)
JIA: "Ikaw din naman ah. Never mo akong kinamusta. Pati nga pag-uwi mo hindi ko alam nasa Pinas ka na pala."
Sarcastic kong sagot sa kanya. Sa totoo lang nakakatampo na hindi man lang ako natext kasi akala ko friend na kami pero mukhang ako lang nag-iisip ng ganun.
BEA: "Paano kita kakamustahin eh alam kong okay ka naman. Dapat nga ako ang kinamusta mo."
"So siya na ang may karapatang magtampo? Ganern?" (wika ng utak ko)
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...