8 - MEETING

567 21 4
                                    

JIA POV

It has been more than a week mula nang mangyari ang encounter namin ng isang Isabel Beatriz De Leon sa opisina ng PARLEON company.

After the incident hindi na ako nagpakita pa or nagparamdam man lang sa kompanya nila. Lalong hindi ako nagpakita sa CEO nila.

I was very disappointed and really felt bad for what happened. Kahit na kaibigan niya ang may pakana ng text, hindi pa rin nawawala ang inis ko sa kanya.

But what surprises me is madalas ako na troubled sa nangyaring paghalik niya. Hindi siya nawawala sa isipan ko. The moment that I will close my eyes, bigla na lang bumabalik sa ala-ala ko ang paghalik niya.

Aside from Jho ay wala na akong ibang pinagkwentuhan pa regarding sa mga nangyari sa pagitan naming dalawa ng babaeng bastos.

Even kay Miguel, hindi ko sinabi sa kanya. Wala ako kinwento sa kanya sa mga nangyari sa pagitan namin ng CEO ng PARLEON.

Good thing na lang din at hindi siya nagtatanong tungkol dun sa kompanya. Kaya somehow hindi ako mapipilitang magkwento.

Kalalabas ko lang ng room and I was on my way to the sala now. Pagbaba ko, naandun ang parents ko. Kaya naupo ako sa sofa katabi ng papa ko.

PAPU: "Oh anak, kamusta na pala ang partnership natin with the PARLEON company?"

JIA: "Okay naman po Papu, doing well naman po."

Pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi niya alam na isang linggo na akong hindi nagpapakita sa mga yun.

PAPU: "Paanong okay? Maayos na ba yung mga designs na gagawin ninyo sa project? Napagkasunduan niyo na ba?"

JIA: "Hindi pa po Papu. Medyo busy po yung CEO nila kaya hindi kami magmeet ng oras."

Pagsisinungaling ko na naman ulit. Syempre hindi ko naman pwede sabihin na hindi kami in good terms nung CEO. Hindi ko rin pwede i-pull out ang contract kasi nagkapirmahan na. Masisira ang pangalan ng kompanya.

MAMU: "Ganun ba. Kailan naman ninyo balak gawan ng paraan yan?"

JIA: "Maybe this week po Mamu."

PAPU: "Good. Sabihin mo lang kapag may kailangan ka."

I just nodded and smiled at him.

MAMU: "Kumain ka na muna. Mukha kasing may lakad ka at bihis na bihis ka."

PAPU: "May lakad kayo ni Miguel?"

JIA: "Hindi po. Wala po siya for a week. May family reunion daw po sila sa US. Magkikita po kami ni Jhoana today."

MAMU: "Kumain ka muna bago umalis."

Naupo na ako at sumabay na kumain sa kanila. Afterwards ay nagpaalam na rin ako na aalis na.

Dumiretso na ako sa resto na sinend ni Jho. Doon na lang daw kami magkita. Hindi naman kalayuan at hindi rin matraffic kung kaya nakarating din naman ako agad.

After magpark ay pumasok na ako sa loob, may sumalubong at nag guide sa akin ng banggitin ko ang reservation. Wala pa kasi si Jho at on the way pa lamang ito.

Dalawa ang VIP room sa lugar, nasa kanan ang pinareserve ni Jho. Pagpasok ko nandun na yung iba.

TREY: "Finally she is here."

MICH: "Akala ko drawing na naman siya at hindi na naman darating. Hahahaha."

KIM: "Himala Jia, nagka time ka pang pumunta dito."

JIA: "Stop bullying me guys or else aalis na lang ako dito."

PONGS: "Chillax ka lang, namiss ka lang namin. Paano lagi ka wala."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon