70 - BEAUTY

643 30 17
                                    

JIA POV

G R E E C E...

Just wow... I never thought I would be here. Ni sa panaginip ay hindi man lang ito sumagi sa isipan ko. Kaya hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nasa Greece ako.

And if I just knew before na ganito pala kasarap ang mamasyal, I showed have started travelling a long time ago. Ang dami kong nasayang na panahon, para makapunta sa iba't ibang lugar.

Even right now, I just couldn't believe what I am seeing. The place was just so amazing. Wala na akong masabi, feeling ko talaga hindi totoo lahat ng nakikita ko. Feeling ko isa lang itong panaginip.

BEA: "Here."

Naputol ang pagsesenti ko ng maupo si Bea sa katabing chair at inabutan niya ako ng inumin. May hawak din siyang inumin.

JIA: "Thanks."

Then, ininom ko ang ibinigay niya.

BEA: "Mula ka pa kanina tulala at tahimik. Hindi ka ba nag-eenjoy?"

JIA: "I am just in awe of everything. Hindi pa rin ako makapaniwala, I am here."

BEA: "Hahaha. Madaming beses mo nang sinabi yan. Gusto mo ba sapakin kita para ramdam mong hindi ka nananaginip?!"

She was actually right. Para na nga akong sirang plaka kakaulit sa kanya. Pero anong magagawa ko, yun talaga nararamdaman ko.

Mula ng dumating kami kaninang umaga sobra na akong namangha. Hanggang ngayon na nagpapahinga kami sa hotel na tinutuluyan, hindi pa rin ako makaget over.

Sa mga unang lugar na pinuntahan at pinasyalan namin kanina wala kang maitapon. Lahat swak sa sobrang ganda.

No wonder Greece was among the top travel destinations in Europe. Sabi nga they have stunning landscapes, beautiful scattered islands like little gems, many historic sites, night life scenes and mga cultural delights.

For us, Athens palang ang nauna naming napuntahan. And if you are a lover of Greek mythology, it is the place to be.

Kilala ang lugar for its archaeological ruins and monuments. Andun yung site of the ruins of the ancient greek temple of Poseidon, the god of the Sea and the rest of the gods.

We visited the Acropolis, Parthenon, the ancient Agora and the theater of dionysos so on and so forth. Di ko na sila maisa-isa pa.

JIA: "Alam mo namang first time kong mag out of the country. Tapos Greece pa, tapos hindi ko alam ganito pala ganda yung lugar."

BEA: "Busy ka kasi sa pagpapayaman. Kapag namatay ka, di mo naman madadala yang pera sa langit."

JIA: "Madali lang sabihin sayo kasi mayaman ka na. Kaya kahit hindi ka magtrabaho hindi ka maghihirap."

BEA: "I would accept that if I am not talking to the owner of the JMCM corporation. Huwag mong sabihin sakin na wala kang pera."

JIA: "Hindi lang talaga ako nahilig sa pamamasyal. Kung papasyal man ako, hindi nalalayo sa Metro Manila. Syempre, iba din naman yung outside the country. Hindi rin biro ang gastos."

BEA: "My family always love going for a trip. May it be within the country or outside. Maliit pa lang ako, namamasyal na talaga kami. That is why, I always travel, kahit mag-isa lang ako."

JIA: "Sa yaman ng pamilya mo kahit buong mundo pwede mong libutin."

BEA: "Hahaha. May issue ka ba sa yaman ng pamilya ko?"

JIA: "Oo. Masyado kayong mayaman."

BEA: "Huwag ka mag-alala. This will not be the first and the last. This will just be the start of many travels that we will have. Para naman hindi lang isang lugar ang mapuntahan mo."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon