BEA POV
Kaaalis lang ni Jia at iniwan akong mag-isa sa loob ng room niya. Hindi man lang ako pinakinggan muna bago siya umalis at iwan ako dito.
Masyado kasi siyang natataranta mula ng makausap ang jowa niya sa phone kanina. Kaya heto, ikinulong pa ako sa room niya.
"Pambihira naman, anong gagawin ko rito sa kwarto niya? Paano kapag mamaya hapon pa uuwi yung jowa niya?" (usal ko sa sarili habang palakad lakad sa room)
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
"Bakit naman kasi sa dami ng pwedeng mangyari ay yung jowa pa talaga niya ang dumating sa unit. Kainis." (patuloy na maktol ko)
Bigla sumagi sa isip ko ang halikang naganap sa pagitan namin ni Jia. Kaya napaupo ako sa bed at sinariwa ang pangyayari.
It was an accident na nagtagpo ang labi naming dalawa at first. Pero yung naging kasunod ay bugso na nang damdamin ko.
Bigla ako pinagpawisan sa noo nang maalala ang naging halikan namin. Kung hindi tumawag si Miguel, hindi ko alam kung ano ang magiging kasunod na eksena.
Pareho lang kasi kaming natulala at hindi nakakilos. Nang maghiwalay ang labi naman, all I could think of is to kiss her again nung moment na yun. Kaya lang panira yung tawag.
Habang tumatagal hindi ko alam kung matatakot na ba ako sa nagiging saloobin ko kapag kasama si Jia. Kakaiba kasi ang tibok ng puso ko at kinikilos ng katawan ko.
Apart of me, wants what is going on kasi hindi ko naman gagawin yun kung hindi ko gusto. Kaya lang natatakot ako baka mag-iba ang pakikitungo ni Jia sa akin.
Ngayon na nagkaroon ako ng pagkakataon na balikan ang mga pangyayari at maging implication nun bigla ako kinabahan.
Nung umpisa kasi akala ko wala lang yung mga nararamdaman ko. Pero habang lumalaon, nagiging kaiba na. Hindi ko kayang ipaliwanag. Kahit ako nagtataka sa mga kinikilos ko at mga iniisip ko.
"Sxxx. Ano na lang kaya ang sasabihin ni Jia sa ginawa ko kanina. Hayssstttt, bakit ba naman kasi naisipan kong gawin yun? Ano ba naman ang sumagi sa utak ko at hibalikan siya. Dapat umiwas ako eh."
Paninisi ko sa sarili. Napahilamos ako ng kamay sa mukha. Bigla ako nastress sa mga sumasagi sa isip ko na pwedeng mangyari.
"Pero, kahit na ako ang nagsimula, gumanti din naman siya. Kaya hindi lang ako ang may kasalanan." (usal din ng utak ko)
Napasabunot ako sa buhok. Ayoko na mag-isip, mababaliw ako. Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan. Inilapat ko ang tenga sa pinto para pakinggan kung may maririnig ako mula sa labas.
Kaya lang wala akong naririnig na nag-uusap. Kaya bumalik na lang ako sa bed at naupo ulit dun. Since wala magawa sa room, inikot ko ng tingin ang room ni Jia.
Malinis ito at maayos. Everything is in order. Pagtingin ko sa sidetable may larawan na nakalagay dun. Solo picture niya.
Mas lalo siya magandang tingnan kapag nakangiti kagaya ng nasa larawan. Pero nakakatakot din naman siya kapag nagagalit.
Ibinalik ko sa sidetable ang picture niya at nahiga na lang ako sa bed, para magpalipas ng oras. Kaya lang bigla tumunog ang doorknob.
May pilit na nagbubukas nito mula sa labas. Kaya dali dali akong bumangon para pakiramdaman kung sino ang nasa labas.
"Ji, bakit nakalock yung door ng room mo?" Sigaw ng taong nasa labas at pilit na iniikot ang doorknob.
"Akala ko ba, darating si Miguel? Eh bakit boses babae yung naririnig ko? Boses babae ba ang jowa niya?" (usal ko sa sarili na puno ng pagtataka)
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanficWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...