63 - SWEET

546 31 4
                                    

JIA POV

JIA: "Sige na umuwi ka na, may family dinner pa kayo mamaya."

Wika ko kay Bea pagkababa niya ng kotse. Kararating lang namin from La Union. Nabanggit niya kasi habang nasa byahe kami na may family dinner daw sila.

Nangulit pa nga siya na sumama daw ako. Para naman makasama ko sa dinner ang parents at kapatid niya. Bilang pasalamat na rin niya dahil pinasama ko siya sa family gathering namin sa La Union.

BEA: "Oo na. Kanina ka pa eh."

Pagtataray niya. Masama pa ata ang loob at hindi ko siya sasamahan sa dinner ng family nila.

JIA: "Para kasing wala ka pang balak umuwi."

Pagtataray ko sa kanya.

JOBOK: "Bakit naman po kasi ate pinauuwi mo na agad, kararating niyo lang po."

Humirit na naman ang magaling kong kapatid.

JAMIE: "Baka kailangan niya pa magpahinga. Kaya pagpahingahin mo muna."

PAPU: "Bakit hindi ka muna tumuloy sa bahay hija? Hayaan mo yan si Julia."

Hanep, lahat sila kay Bea kumakampi. Baka nakakalimutan nila ako ang anak at kapatid nila.

BEA: "Thanks po tito. Pero need ko na rin po kasi umalis."

Magalang na sagot niya kay Papu.

MAMU: "Ganun ba. Gusto mo bang ipahatid ka na lang namin? Malayo din ang binyahe niyong dalawa."

BEA: "Okay lang po tita. Kaya ko pa naman po magmaneho."

MAMU: "Ikaw ang bahala. Salamat sa paghatid sa anak namin dito."

BEA: "Walang anuman po. Hindi na po ako magtatagal, magpapaalam na po ako."

Lumapit siya sa parents ko at nagpaalam. Well, nagbeso sila. Ganun na sila ka close. Ganun din ang mga kapatid ko. Nakibeso din.

JOBOK: "Ate Bea ako din. Gusto ko din ng beso."

Pahabol na hirit ni Jobok kaya napatampal na lang ako sa noo. Hindi ko malaman kung anong trip ng kapatid ko.

BEA: "Sure."

Kaya lumapit si Bea sa kanya. Instead na beso, kiniss siya ni Bea sa cheek. Kaya ayun nagtatalon sa tuwa ang baklang Jobok. Napailing na lang ang mga magulang ko. Si Bea naman tawang tawa.

BEA: "Paano naman yung kiss ko sayo?"

Paglalambing niya at sa harapan pa talaga ng pamilya ko. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. Baliw talaga ang babaeng to.

BEA: "Sila lahat meron. Bakit ikaw wala?"

JIA: "Manahimik ka. Umuwi ka na."

Pagtataboy ko sa kanya. Inihatid ko na siya hanggang makarating sa tapat ng pinto sa driver's seat.

BEA: "Bye. Thanks ulit ah. I hope meron pang next time."

Masayang wika niya. I know naman that she really enjoyed. And my relatives also enjoyed her presence. Kahit anak mayaman si Bea, hindi niya pinaramdam yun, marunong siyang bumaba at makihalubilo sa ibang tao.

Game na game din naman siya sa mga pinag-gagawa ng mga pinsan at kamag-anak ko sa kanya. Kung kaya nagustuhan siya ng mga ito.

Flashback...

JOBOK: "Mga ate dali, konti na lang."

Ang lakas ng cheer ni Jobok. Hindi pa namaos kakasigaw mula kanina. Naglalaro kami ng sack race. Kailangan dalawang tao ang sa loob nito.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon