BEA POVHalos hindi na rin ako nakatulog pa ng maayos and I don't know why. And parang napakabigat rin ng dala ng magiging araw.
Bumangon ako na masakit ang ulo ko pero ayoko naman na humilata lang sa bed magdamag. And mas lalo na akong nawala sa mood ng maalala ang mga nangyari kagabi.
Dahil sa inis nang naalalang pangyayari ay napilitan na akong dumiretso sa cr at naligo na. Nang matapos, inayos ko na ang mga gamit ko at isinakay na sa kotse.
Habang naliligo kanina ay naisipan kong bumalik na lang sa Manila para umiwas na rin muna kay Thirdy. Hindi pa ako comfortable na harapin siya after what happened between us last night.
After malagay lahat sa kotse ay naghanap ako ng kahit na sino sa mga kasamahan ko para makapag paalam kung may gising na.
Nag ikot ako sa place pero mga wala pang gising, dahil wala namang tao sa labas. Kaya naman ay nagtext na lang ako kay ate Ly para magpaalam na babalik na ako ng Manila.
I told her na may urgent meeting kaya kailangan ko nang bumalik agad at hindi ko na sila mahihintay pa na magising. And ayoko naman silang gisingin.
Actually, there was really a meeting, pero not that urgent naman. Though, itinuloy ko na lang din because I am not in the mood to see Thirdy. Not now.
Dinahilan ko na lamang muna iyong meeting. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya though dala lang naman ng kalasingan niya nangyari. Still, it makes me feel bad.
Nang matapos magtext ay naghintay pa ako ng ilang minuto baka sakaling may magising na sa kanila. Pero ng wala talaga nagising ay nagdesisyon na akong umalis na at bumiyahe pabalik ng Manila.
Bumiyahe na ako mag-isa. Dumaan ako sa drive thru para makabili ng makakain just in case na gutumin ako sa byahe. Unpredictable na rin kasi ang traffic sa Manila.
Habang nasa byahe, tumawag ako sa opisina telling them na I am on my way to Manila. Tinawagan ko rin si dad na pabalik na ako.
Good thing na lang at hindi niya ako kinulit kung bakit nasa byahe na ako pabalik. After ilang hours ng byahe ay nakarating na ako ng opisina.
Good thing ay maaga pa ako ng isang oras sa meeting time kaya dumiretso muna ako sa office para naman makapagpahinga pa. Medyo kapagod din mag drive.
Makakapagpahinga ako ng kumportable kasi may bed ako katabi lang ng office, kadugtong ng office ko ay isang room na pwede ko tulugan just in case na kailangan ko magpahinga kagaya ngayon.
Nagset lang ako ng alarm just in case na makatulog ako at hindi magising on time. Kaso naubos na yung oras ng pahinga ko ay nakatulala lang ako sa kisame at hindi nakatulog.
Nagdecide na lang ako na bumangon at naghilamos para maghanda na para sa meeting. Inayos ko muna ang papeles sa table ko bago pumunta sa conference room.
As always, nagsimula kami on time for the meeting. Ayoko kasi ng mga nalelate. I am very particular with time, alam yan ng mga tauhan ko.
Halos maghapon din kaming nasa meeting because of new project proposals and new partnership offer na kailangan pag-usapan at pag-aralan.
Sa sobrang busy hindi ko na halos nahawakan ang phone ko. Hindi ko rin alam kong may nagtext ba or may tumawag. Iniwan ko na kasi sa office ko yung phone.
Medyo pagod ako after the meeting. Nakaka drain yung maghapon lang na nakaupo at nakikinig lang sa mga nasa loob ng conference room.
Pero hindi rin ako nakapagpahinga after the meeting kasi may site kami na kailangan bisitahin. Kaya after ko pirmahan ang mga mahahalagang papeles sa opisina ay umalis ako.
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...