24 - SILENCE

489 20 2
                                    

BEA POV

Bumalik ako sa condo ni Thirdy after 30 minutes kasi naiwan ko ang mga papeles na kakailanganin kong basahin today.

Malapit na sana ako sa opisina pero nag U-Turn ako para balikan ang papeles sa unit niya. Hindi ko na siya tinawagan pa dahil alam kong pagod yun at may byahe pa siya mamaya papunta sa bahay ng parents niya. And I know, ngingiti na naman yun kapag nakita akong bumalik.

Pagdating sa condo, umakyat na agad ako sa unit niya, buti na lang may spare key ako ng kanyang unit kaya hindi ko na kailangan pang gambalain siya.

Siya naman ang nagbigay nung susi sa akin. Kasi minsan mas nauna pa ako makarating sa unit niya, kaya binigyan na niya ako ng spare key.

And madalas instead na lumabas pa ay dun na lang kami nagdedate at kumakain, or magmovie together at naglalaro kami ng basketball kasi yun ang hilig niya.

Hindi na rin kami umoorder sa labas, sometimes salitan kami sa pagluluto. Pero pag gumabi na, umuuwi na rin ako sa bahay ko.

Dahan dahan kong ipinihit ang doorknob ng pinto kasi baka natutulog na siya. And as I slowly open the door, dalawang boses ang naririnig ko mula sa loob.

Kaya napakunot ang noo ko. Kasi wala naman ibang pinapapasok si Thirdy sa unit niya na ibang tao. And to my curiosity boses ng babae ang naririnig ko. Boses ng naglalanding babae.

Bigla lumakas ang kabog sa dibdib ko, because the other voice is from Thirdy and the other one is a girl's voice.

GIRL: "Baby, ang hot mo talaga."

Pabebeng wika nito sa kausap.

THIRDY: "Of course, I am."

GIRL: "Buti na lang maagang umalis ang girlfriend mo, kung hindi ay wala na naman tayong time together."

Malambing na wika nito. Yung boses malandi, ubod ng landi.

THIRDY: "Namiss mo ba ako?"

Buong landi naman na sagot ni Thirdy. Kaya naikuyom ko ang mga kamay ko.

GIRL: "Syempre naman baby. Sobra kitang namiss at mga halik mo. Kelan mo ba siya hihiwalayan? Para naman makalabas na tayo together at hindi yung laging ganito. Sabik na akong makasama ka lagi eh."

THIRDY: "Pinag-usapan na nating dalawa ang bagay na yan."

Ma awtoridad na wika ni Thirdy.

And hearing both of them now, with their way of conversation halos lumaki ang ulo ko. Napahigpit ang hawak ko sa doorknob.

Ang bigat ng balikat ko at ang init ng mata ko. Any moment ay may gustong tumulo na luha ko. But I tried my very best to contain it.

I open the door a bit and I saw both of them at the sofa. Si Thirdy nakaupo sa sofa habang ang babaeng kausap niya ay nakakandong sa kanyang lap. Nakaharap pa ito sa kanya.

Ang sakit sa mata ng posisyon nilang dalawa.

"Ang sarap ng upo ng hitad sa lap ni Ravena. Akalain mo na linta makakapit kay Ravena."
(usal ng isip ko)

Wala nang pantaas si Thirdy, naka shirt kasi siya kanina nung umalis ako. Naka short na lang din siya. Yung babae naman nakapulupot ang mga kamay niya sa leeg ni Thirdy. Ang igsi ng suot na short ng hitad.

At ang hitad na babae na tinamaan ng magaling ay hinalikan si Thirdy sa mga labi na parang inaakit. At si Thirdy naman enjoy na enjoy na tinugunan naman ng isang malanding hitad.

Nakahawak pa si dibdib ni Thirdy ang kamay nito. Habang si Thirdy naman ay nasa butt naman ng girl nakahawak ang dalawang kamay.

And they were now engage in a passionate kissing. Idinikit na nang hitad ang katawan niya kay Thirdy.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon