JIA POV
Nasa isang resto ako ngayon at inis na mag-isang hinihintay ang pagdating ng mga wala kong kwentang kaibigan.
Filipino time nga naman, ang usapan ay alas dos, darating sila ay 30 minutes or 1 hour pagkatapos ng oras na napag-usapan. Kabadtrip di ba.
Since wala pa naman sila, minabuti kong buksan na lang ang phone at inabala muna ang sarili sa pagbabasa sa social media. Bihira rin kasi ako magbukas at magbasa.
Naisipan kong tingnan ang account ni Bea sa IG. Curious lang ako sa mga pinopost niya. Nung buksan ko ito, puro mga nakatag ang post sa kanya.
Tsskkkk. Yung iba ay halos mga tagpost para sa kanila ni Thirdy. Pero ang nakatakaw ng pansin ko ay ang post tungkol sa JiBea.
Alam ko na kung sino ang tinutukoy nila na JiBea. Di ko nga alam bakit naisipan nila kaming gawan ng ganyan. Ang weird lang kasi.
I scan through the pictures, ito yung mga larawan na kumakalat noon tungkol sa aming dalawa. Pambihira, mga tao nga naman walang magawa.
Napadako ang tingin ko sa isang solo na larawan ni Bea. Napalunok ako bigla, ang ganda niya kasi sa litrato. Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya.
Ang dami nga ng likes at comments. Hindi lang siya basta businesswoman para na rin siyang isang sikat na celebrity.
Speaking of picture, bigla sumagi sa isip ko ang picture niya na kinuhanan ko nung namasyal kami ni Bea sa cave. Hindi niya alam na kinuhanan ko siya ng litrato habang natutulog. Hindi rin niya nakita ang picture dahil hindi ko sinabi sa kanya.
Kaya naman ay pinuntahan ko yung gallery kung saan nakalagay ang picture niya. Napangiti ako ng masilayan ang mukha niyang tulog na tulog.
Lahat ng anggulo ng mukha niya ang ganda, wala kang maipipintas. Kahit nga yung parang peklat sa kilay niya dagdag charisma sa kanya.
Hindi pa ako nakuntento, zinoom ko pa para lakihan ng konti. Ang amo ng mukha niya habang natutulog, ang kiniss at ang ganda lang. Hindi nakakasawa ang mukha niya.
Habang tumitingin ay nagulat ako ng bigla pumasok ang isang waiter. Kaya naman ay napapindot ako bigla sa hawak na phone. May dalang pagkain ang waiter at lumabas din naman agad ng mailapag sa table.
Agad ko kinuha ang phone, when I take a look, may nakalagay na confirmation for posting.
JIA: "Sxxx. Buti na lang talaga at may confirmation muna na lumalabas. Kundi napahamak pa ako sa pagpost ng litrato niyang natutulog. Muntikan na yun."
As I was about to press NO, bigla na lang may nanggulat sa akin mula sa likod.
"Bulaga."
JIA: "Kabayo mo kalbo."
Sigaw ko sa sobrang gulat at nabitawan ko ang phone. Buti na lang at sa table ito bumagsak at hindi sa floor.
Paglingon ko sa nanggulat saakin ay gusto ko siyang murahin.
JIA: "Jusko naman Jhoanna. Huwag ka ngang nanggugulat ng ganyan. Mapapatay kitang babae ka."
Pero tawa lang siya ng tawa at hindi man lang pinansin ang mga sinabi ko. Kinuha ko na lang ang phone. At napanganga ng makita ang nakalagay dito.
JIA: "Sxxx."
Biglang sigaw.
JHO: "Oh bakit?"
Gulat niyang tanong.
"Anak ng kabayong buntis, napost yung picture ni Bea sa account ko." (usal ko sa isip)
Nataranta ako bigla hindi ko alam kung ano na ang gagawin.
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...