JIA POV
Ang sakit ng ulo ko. Kararating ko lang sa unit. After kasi ng kainan kanina sa resto ay bigla nagkayayaan ang grupo na mag swimming at inuman sa bahay ng magkapatid na Gaston.
Ayun napasubo ako, matagal na rin kasi na hindi ako uminom ng ganito kaya nanibago. Medyo naparami rin ako nang nainom ngayon. Kaya naman ito, ang bigat ng ulo ko.
Hinatid ako ng driver nila sa condo na tinutuluyan ko. Nangulit nga sila na dun na lang ako matulog sa bahay nina Trey pero gusto kong umuwi.
Kahit medyo mabigat ang aking pakiramdam ay nagawa ko pa ring makapagpalit ng pantulog. Pabagsak din akong nahiga sa bed.
Pero bago pa tuluyang makatulog ay tiningnan ko ang aking phone. May message ito na galing kay Bea. Napakunot ako ng noo, seeing her name. Of all people, siya pa ang nagtext.
"Ano naman kaya ang tinext ng isang ito sa ganitong oras ng gabi? Malamang isa na namang kalokohan." (mahina kong usal sa sarili)
Tiningnan ko muna ito para alamin ang laman ng kanyang mensahe.
From BEA PANGET:
Tulog ka na ba? Naubos mo ba ang hotdog baby? 😂😂😂Animal. Ngayon ko naalala ulit ang ginawa niyang kalokohan. Sana pala hindi ko na lang binasa ang text niya. Nabwiset lang ako.
Dahil abala ako kasama ang mga kaibigan sa pakikipagkwentuhan, swimming at inuman kanina ay nakalimutan kong may ginawa pala ang isang animal na ito.
Hindi nga ako tinigilan kakatukso ng mga kaibigan ko sa resto dahil sa ginawa niyang kalokohan kanina. Naalala ko na naman tuloy.
Flashback...
TREY: "Hoy, Julia Melissa Caro Morado..... Bakit ka binigyan ng hotdog ni Bea? Hindi ka naman mahilig diyan?"
"Kinumpleto pa ang pangalan ko, kung makahoy siya akala mo hindi kami magkaibigan." (sabi ko sa isip)
MICH: "Oo nga. At bakit ikaw lang ang may take-out? Ang dami naman natin dito, tapos ikaw lang meron?"
"Makaarte as if naman close sila ni Bea para bigyan siya ng take-out. Di nga siya kilala ni Bea eh." (usal ko na naman sa isip)
DEANNA: "Anong meron sa hotdog?"
JHO: "Mukhang may message diyan sa paper bag, patingin kami."
MADDIE: "Magsabi ka ng totoo, anong meron sa hotdog?"
Sunod sunod na nilang tanong. Kaya lalo lang ako nainis. Bwiset talaga tong si Beatriz. Lagi na lang ako ipinapahamak sa buhay.
JIA: "Nang-aasar lang siya. Malay ko sa hotdog na yan."
Pagsisinungaling ko sa kanila.
PONGS: "Patingin ng paper bag?"
Daig pa nila ang SOCO mag-imbestiga. Ano ako criminal?!. Kaya bago pa madagdagan ang curiosity nila, iniabot ko na lang ang paper bag labag man sa loob ko. Wala naman ako pagpipilian.
MICH: "Enjoy eating hotdog baby with tatlong 😂😂😂 face guys."
"Kailangan talaga kasamang sabihin na may ganung face?!" (wika ko sa isip pero hindi ko na isinatinig)
TREY: "Pakiexplain po?"
MADDIE: "Alin dun twinnie? Yung hotdog, yung baby or yung tatlong 😂😂😂 face? Hahahaha."
Lahat sila nakatingin na naman sa akin. Hindi ko magawang matawa sa sinabi ni Maddie, pinagpawisan singit ko eh.
JIA: "Teka lang, kanina pa ako nakakahalata sa inyo ah, bakit parang ako lang ang pinagkakaisahan niyo rito mula pa kanina? Siguro pinagplanuhan niyo to?"
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...