28 - PAIN

657 21 4
                                    

JIA POV

We are suppose to go back to Manila today just as planned pero sa hindi inaasahang desisyon at sitwasyon ay nandito ako sa isang napakagandang resort outside Manila.

Hindi lang outside Manila, as in malayo talaga sa Manila yung place. Hindi ko nga lubos maisip bakit ako napadpad dito at sa kasamaang palad, kasama ko ang CEO ng Parleon.

Yeah, hindi pa kaming dalawa ni De Leon bumabalik sa Manila mula sa pinuntahan namin sa Pangasinan regarding the project.

Ayaw pa kasi niya bumalik ng Manila dahil ayaw pa niyang makita ang naglumanding jowa niya. She wanted to run away muna para naman maiba ang mundo niya.

Ang daming pagtatalo at pilitan ang pinagdaanan naming dalawa para lang kumbinsihin siyang umuwi kaso at the end siya pa rin ang nasunod.

Flashback...

JIA: "What time pala tayo, uuwi ng Manila bukas?"

Wika ko sa kanya habang umiinom kami ng alak sa may sala. Nainip kasi siya dahil walang magawa kaya nagyaya na mag-inuman kami.

Pero parang hindi man lang narinig ang sinabi ko. Kaya binato ko siya ng mani na kinuha ko sa table.

Nang tamaan siya sa sintido ay lumingon siya sa direksiyon ko at nakakunot ang noo.

JIA: "Kinakausap kita. Anong oras ang byahe natin pabalik ng Manila bukas?"

Angil ko sa kanya na nakaupo siya sa kabilang sofa habang hawak ang bote ng alak.

BEA: "I don't wanna go back to Manila yet."

Yun lang at iniwas na ang tingin sa akin at tumungga ng alak.

JIA: "At bakit ayaw mong umuwi?"

BEA: "I just don't want."

Yun lang ang sagot niya.

JIA: "Alam ko na. Hindi ka pa ready?!"

Pero hindi na naman siya kumibo. Kaya kumuha ulit ako ng mas maraming mani at ibinato sa kanya.

BEA: "What?!"

Angil niya sa akin ng tamaan siya sa ulo.

JIA: "Sira ka ba? Ano tatakbo ka na lang at magtatago? Siya ang may kasalanan, tapos ikaw ang umiiwas at mahihirapan?"

BEA: "I just don't want to see his face. That's all."

JIA: "Hanggang kelan ka iiwas na lang mg ganyan?"

BEA: "If I feel coming back, I'll come back."

Kibit balikat niyang sagot sabay inom na naman.

JIA: "Feel?! Hello, so kung feel mo na tumakbo na lang sa mahabang panahon, tatakas ka na lang ganun."

BEA: "What is it to you ba, if I run away? It's my life, its nothing to do with you."

JIA: "Natural, wala akong kotse. Kapag wala ka, paano ako makakauwi?!"

BEA: "Eh di mag bus ka. Duh."

JIA: "What?! Ikaw ang nagdala sa akin dito, tapos pasasakayin mo ako sa bus pauwi?!"

BEA: "Wala naman kasama sa kontrata na pinirmahan mo na kapag dinala ka iuuwi ka."

JIA: "Wala kang puso, alam mo yun?!"

Pagbibiro ko sa kanya to ease the growing awkwardness.

BEA: "Meron naman. Kaso wasak na."

Sabay tungga ng bote ng alak. Pang limang bote na niya pero ang tibay pa din. Ako pangatlo pa lang pero yung ulo ko ang bigat na. Pero yung kadramahan niya ay mukhang epekto na rin ng nainom niya.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon