16 - MAKING

578 18 1
                                    

JIA POV

BEA: "What do you think babe?"

Ayan na naman siya sa salitang 'babe' na yan. Kanina pa siya ganyan mula ng simulan namin ang draft. Naririndi na ang tenga ko sa kanya. She is making me feel irritated.

Kung makapagsalita siya ng 'babe' akala mo ay normal na kaming nagtatawagan sa ganung salita.

JIA: "How many times will I tell you to stop calling me with that word."

Angil ko na sa kanya. Kasi mula pa kaninang nagsimula kaming gumawa, puro siya babe. Hindi nawawala ang salitang babe sa tuwing bubuka ang bibig niya.

BEA: "What's wrong about the word? I find it sweet."

Patay malisya niyang wika habang nakatingin sa laptop niya. Wala talaga siyang pakialam sa sinasabi niya.

JIA: "Sweet?! Bakit jowa kita?!"

Sigaw ko sa kanya.

BEA: "May jowa na ako, may jowa ka rin. So basically ay hindi pwedeng magjowa tayo. But technically, hmmm pwedeng kabit."

Pagpapaliwanag niya with full of confidence na akala mo ay para siyang nagpopropose lang ng isang project sa business meeting.

Ang nakakaloka sa kanya relax na relax lang siya sa mga sinasabi kaya lalo siyang nakakainit ng ulo.

JIA: "Gxxx ka. Nagdadrugs ka ba? Kapag hindi ka talaga tumigil diyan sa mga pinagsasabi mo, sasapakin ko yang nguso mo."

Sabay labas ng kamao ko sa kanya. Hindi ko malamam kung ano ang trip niya. Ang lakas ng tama niya eh.

BEA: "Stop making mura. Kababae mong tao, puro ka mura. Hindi maganda tingnan."

JIA: "Then, stop with that babe thing of yours."

Tinaasan ko na ang boses ko dahil nakakainis na kasi.

BEA: "Okay fine. So, shall we go on baby?"

Sabay taas pa ng dalawang kamay niya in surrender. Napabuntong hininga na lang ako. She is really pissing me off.

"Julia, control. Settle down, relax lang and huwag mo na siyang patulan pa. Control." (pagpapakalma ko ng sarili)

Tiningnan ko na lang siya at hindi na nagsalita pa. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa. Hindi ko na lang siya pinansin, kapagod eh.

BEA: "Yun, baby pala ang gusto mo. Ayaw mo ng babe."

Natatawa niyang hirit pero hindi ko na pinansin ulit. Lalo lang siya mang aasar kapag pinatulan.

BEA: "Ito na baby oh, tingnan mo to. Baka pwede na yan?"

Kahit naiirita ako sa pagtawag niya ng baby ay kumalma na lang ako. Lumapit ako at tiningnan ang nasa laptop niya. Inirapan ko siya ng magtagpo ang tingin namin.

When I take a look at her work mas maganda na ito kumpara sa naunang pinagtalunan namin ng ilang linggo.

Well yung mahabang panahon na nasayang sa paggawa ng draft ng mga nakaraang linggo ay hindi naman talaga namaximize. Halos bilang lang na nagkita kami para pag-usapan.

And ending wala kami natatapos at nauuwi lang sa pagtatalo at pag-aaway. Tapos yung iba naman ay nauwi rin sa walk out at hindi namin pagkikibuan.

Hindi natatapos ang pagtatagpo namin sa magandang usapan. Madalas laging may palitan ng salita at ang pamimikon niya sa akin.

JIA: "Much better. Pero, may igaganda pa yan."

Pagpapaliwanag ko sa kanya in all honesty.

BEA: "Perfectionist."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon