61 - FRIEND

571 29 7
                                    

BEA POV

BEA: "Aray."

Bigla niya ako binato ng damit sa mukha.

JIA: "Kung wala kang maitutulong, manahimik ka. Kung anu-ano pinagsasabi mo diyan. Baliw ka talaga."

Angil niya sa akin at nagpatuloy sa pag-aayos.

BEA: "Bakit? Anong masama sa sinabi ko?"

JIA: "Tumulong ka na nga lang. Pasaway."

Since gusto niya ako tumulong may nakita akong opportunity para gawin ang naisip ko. Pinilit kong abutin ang mga undies niya na malapit sa kanya.

At nang makita niya ang binabalak ko bigla niya akong inunahan na kunin ito at nang makuha hinambalos niya ako ng hawak na towel.

BEA: "Aray. Bakit na naman?"

Natatawang patay malisya kong tanong sa kanya.

JIA: "Hindi ako matatapos sa pag-aayos ng gamit ko dahil sayo eh."

BEA: "Kaya nga tinutulungan na kita gaya ng sinasabi mo di ba?!"

Bigla niya akong sinamaan ng tingin. Umayos ako ng upo without taking away my eyes from her.

JIA: "Oh, ano na naman yan?"

BEA: "Wala nga akong ginagawa?"

JIA: "Yung tingin mo eh."

BEA: "Lahat na lang ba ng gagawin ko ay issue para sayo?"

JIA: "Oo, lahat sayo issue."

BEA: "Alam mo baby, kulang ka sa lambing ng jowa mo. Masyado kang hard. Halika rito, lalambingin kita."

JIA: "Alam mo ikaw, kulang ka sa pansin ng jowa mo. Hakdog ka, pabibo."

BEA: "Hahaha. Sabi na eh, mahilig ka sa hotdog."

Dahil napikon na naman siya, kinuha niya ang bag at ibinato sa akin.

JIA: "Bwisit ka talaga. Yan, ayusin mo yan ah. Diyan ka na nga."

Sabay tayo niya at lumabas ng room habang ako tawang-tawa na naman sa kanya. Akala ko nga babalik siya pero, hindi na.

Since wala ako magawa at wala akong balak na mag-ayos, nahiga na lang ako sa bed. Paglapat ng ulo ko sa unan, ang bango.

BEA: "Not bad. Smells good."

Hindi ko alam na tuluyan na pala akong napapikit. Pero bago pa tuluyang nawala ang ulirat ko ay biglang nagbukas ang pinto at umalingawngaw ang boses ni Jia sa room.

JIA: "Ay kagaling. Sinabing ayusin, natulog na pala."

Kaya naman napabalikwas ako ng bangon.

BEA: "Di ba mahal, sa mag-asawa yung babae ang nag-aayos? Kaya dapat ikaw nag-aayos niyan. Unless gusto mo, ikaw ang lalaki sa relasyon natin."

Hindi ko inasahan na kinatok niya ako sa noo.

BEA: "Aray."

Sabay kamot sa noo ko na tinamaan niya.

JIA: "Ayan baka sakaling magising ka sa anumang bangungot na pinagdadaanan mo."

BEA: "What?! What do you mean by bangungot?"

JIA: "Ewan. Ayoko magpaliwanag sakit sa bangs. Diyan ka lang, huwag kang kikilos at huwag kang magsasalita."

Naupo na siya sa bed at sinimulan nang ayusin ang mga gamit niya. Hindi ko na siya ginulo. Nanunuod na lang ako habang matiyaga siyang nag-aayos.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon