JIA POV
Kagigising ko lang at maganda ang mood ko dahil may break ako today sa work. Kaya nga napahaba ang tulog ko at malakas ang loob na late magising.
Nagbabad muna ako sa bed at hindi agad bumangon. Nakatunganga lang ako sa ceiling habang nagpapalipas ng oras.
Ang sarap lang talaga na gumising sa umaga ng hindi ka nagmamadali at walang iniisip o hinahabol na oras o anumang gawain.
Nang magsawa kakatunganga ay dahan dahan na akong bumangon sa bed at nagpunta na sa banyo para magtoothbrush at maghilamos.
Nang makatapos ay kinukuha ko ang phone sa table at lumabas na ako ng room para makapag-agahan na rin. For sure, gising na silang lahat sa baba.
And tama nga ako, gising na sila at nasa sala na. Pero pababa pa lang ako sa hagdan ay ramdam kong parang may world war 3 na sa bahay.
I saw my parents sitting on a sofa at kasama ang mga kapatid ko. I can sense na something is wrong with the way they look. Kaya naman, inihanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang nangyayari.
Nagmano at nagbeso muna ako sa mga magulang ko pero wala akong nakuhang response from them.
"Ay wow, kay agang sermon ito. Pero wala naman akong naisip na nagawang kasalanan o kamalian. Baka naman isa na naman ito sa play victim nila." (sabi ko sa isip)
Madalas kasi nila ako biktimahin sa drama nilang ganyan. Yung akala mo totoo pero, dramahan lang nila.
Naupo na ako sa bakanteng sofa at nakipagtinginan din sa kanila. Nakikiramdam kung ano ang meron. Alam mo yung feeling na kararating mo lang sa isang lugar tapos hindi mo alam ang mga nangyayari.
JIA: "Ano pong meron? Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?!"
Pagputol ko sa namumuong katahimikan wala naman kasing nagsalita sa kanila.
PAPU: "Ano ba ang dapat naming malaman mula sayo?"
JIA: "Ano pong dapat malaman?"
MAMU: "Ikaw ang dapat na magsabi niyan?"
JIA: "Ano na naman pong joke ito? Pinagtritripan niyo na naman po ba ako."
Pero hindi sila tumawa gaya ng usual na ginagawa nila. Nakapoker at serious face silang lahat. Kaya naman kinabahan na ako.
JIA: "Tungkol saan po ba talaga ito, wala po akong maisip na dapat po nating pag-usapan or dapat kong sasabihin."
Pagpapaliwanag ko sa kanila, dahil wala naman talaga akong idea sa kung ano man ang pinupunto nila.
Si Papu ang unang kumilos may inilatag siya na dyaryo sa table at kinuha ko ito para tingnan. Nasa news headline agad nakatutok ang mga mata ko. Nagulat pa ako ng makitang puro larawan namin ni Bea ang nakalagay sa dyaryo.
I saw Bea's picture na solo at papasok sa bar katabi nito ang isa pang litrato na kasama ako at nakaakbay siya sa akin at nakahawak ako sa waist niya.
Kung hindi ako nagkakamali ito yung time na nalasing siya at palabas kami ng bar. Kung saan magkaagapay kaming dalawa na lumabas ng bar papunta sa kotse niya.
Yung kasunod na picture ay yung inalalayan ko siya papasok sa loob ng kotse. Ang pang-apat naman ay yung kinaumagahan na inihatid niya ako sa condo unit ko.
Sa larawan pa lang ay may idea na ako kung tungkol saan ang article na ito. I know, I am in for a big trouble. Kaya, hindi na ako nag-abala pang basahin ang nilalaman.
Pag-angat ko ng tingin, lahat sila ay nakatutok ang tingin sa akin. Inilapag ko sa table ang dyaryo at bumuntong hininga bago nagsalita.
JIA: "Let me explain."
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...