34 - FINE

646 22 1
                                    

JIA POV

Nasa labas ako ng bahay na inupahan namin for overnight. She wants kasi na mag stay muna kami sa isla para makaligo kami sa beach the next day.

Mula sa labas ay matatanaw ang maaliwalas at magandang tanawin sa paligid. Malawak na dagat, luntian na bundok at malinis na kapaligiran.

Lalong nagbigay ganda sa lugar ang unti-unting paglubog ng araw. Medyo malamig pa ang dampi ng hangin swak na swak para sa mainit na kape.

Naaliw din akong pagmasdan ang unti-unting paglubog ng araw habang nakikinig sa huni ng mga ibon na malayang lumilipad.

Prente akong nakaupo sa kahoy na upuan habang may hawak na tasa ng kape. Ang sarap lang ng ganitong buhay, yung tipong nakaupo ka lang, walang ginagawa, nagrerelax lang at nakatunganga.

Sana araw-araw ay ganito, hindi tulad sa mundo ng siyudad na halos walang pahinga, maingay at wala ka nang time para sa sarili mo.

BEA: "It's beautiful."

Napalingon ako bigla ng may nagsalita. Hindi ko namalayan halos nasa tabi ko na pala siya.

JIA: "Kanina lang maganda eh, ngayon panget na."

Pang-uuyam ko sa kanya. Bigla siya tumawa ng malakas at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Minsan talaga may aura siya na nakakaasar at nakakainis.

BEA: "Anong iniinom mo?"

JIA: "Kapeng may lason."

Sarcastic kong sagot sa kanya.

BEA: "Pahingi ako, para naman may kasabay kang malason."

Oh di ba. Pang-asar lang siya. Yung tipong trip niya mambwisit lang magdamag.

JIA: "Maraming kape na may lason dun sa loob, magtimpla ka ng para sayo. Makikiapid ka pa sa kape ko eh."

BEA: "Titikim lang ako."

JIA: "Wala na ubos na."

Pagsisinungaling ko sa kanya. Ayoko nga siyang bigyan, matuto siyang magtimpla para sa sarili niya.

BEA: "Jusko naman Morado, naturingan kang Chairman ng kompanya niyo, kape lang ipinagdadamot mo pa."

Pagrereklamo niya at hindi inaalis ang tingin sa akin.

JIA: "Ikaw naturingang CEO ng malaki at kilalang kompanya in and out of the country, pero kape na lang manghihingi ka pa."

BEA: "Titikim lang eh. Madamot."

Nagmaktol pa talaga sa harap ko.

JIA: "Ayan. Saksak mo sa nguso mo."

Sabay abot ng kape ko sa kanya kaya lumapad ang ngiti niya. Ngiting panalo na naman siya. Gaya ng sinabi niya tinikman nga niya ito.

BEA: "Bakit ganito lasa ng kape mo?"

Napakunot ang noo ko sa kanya.

JIA: "Bakit?"

BEA: "Ang pait naman, wala man lang halong kasweetan. Sabagay, wala ka nun."

At talaga namang hiniritan pa ako.

JIA: "Nanghingi ka na nga lang ng kapeng pulubi ka, nanlait ka pa."

BEA: "Mapait namin kasi talaga."

JIA: "Akin na nga."

Sabay kuha ko sa tasa, pero bigla niya iniwas at inilayo sa akin.

BEA: "Ooops. Hindi pa ako tapos uminom."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon