71 - UNDERSTAND

550 29 4
                                    

Please visit po ang account na Queen Heart (@ImYourQueenHeart)... You can read po new story ng Jibea, The day I Met You....

-------------------------------------------------------------

BEA POV

"I...I... I like you."

Finally nasabi ko na rin. Noong isang araw ko pa gustong sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Kaso lagi ako nauunahan ng kaba.

This time, nakatulong ata yung alak kaya nagkalakas ako ng loob para harapin siya at harapin ang totoong nararamdaman ko.

Kaya lang, mukhang na shock ata siya dahil nakatingin lang siya sa akin. Mali ata ang timing ko or mali ata na sinabi ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong gagawin or sasabihin ko wala kasi siyang reaksiyon. Well, nagreact naman siya kaya lang parang gulat eh.

"Sasabihin ko na lang kaya sa kanya na joke?" (usal ng isip ko)

BEA: "Just forget what I've said."

Bawi ko na lang sa sinabi ko. Ang hirap naman na sabihing joke, kasi baka sa susunod wala na akong lakas ng loob na sabihin.

Ito na nga ba ang kinakatakot ko kapag sinabi sa kanya. Baka magalit siya at lalayo sa akin. And I don't want that to happen.

Mahalaga sa akin ang pagkakaibigan namin ni Jia. Kaya lang hindi ko naman sadya na magkagusto sa kanya. Basta nahulog na lang ako.

Sa dami ng nangyari sa amin, hindi malabo na magkagusto ako sa kanya. Tapos mabait siya, maganda at higit sa lahat masarap siyang kasama.

Pero mukhang malabo yung iniisip ko na matatanggap niya or mauunawaan niya yung nararamdaman ko. Mas lamang na sasama ang loob niya.

Tumayo na ako para umalis na sa terrace. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin para bawiin ang sinabi ko. Nahiya din akong harapin siya after what I've said.

"Pahiya na. Ano pa ba, ang magagawa ko? Dapat pala hindi ko na sinabi?" (nagtatalo ang isip ko)

JIA: "Bea."

Tawag niya sa akin kaya napalingon ako. Napalunok while looking at her. Pero ang tagal bago siya magsalita. Feeling ko nga hihinatayin na ako sa tagal.

JIA: "Are you sure about what you said?"

Pinagpawisan ako dun. Dahan dahan akong bumalik sa pagkakaupo. I take a deep breath bago nagsalita.

BEA: "It's true. I like you."

Lakas loob na sabi ko pero sa malayo ako nakatingin. Andito na ito. Wala nang atrasan.

JIA: "I don't know what to say."

Nilingon ko siya pero napayuko siya kaya hindi ko rin mabasa ang facial expression niya. Ano ba naman itong sitwasyon na ito, para akong maiihi na ewan.

BEA: "I'm sorry."

Yun lang naisip kong sabihin. Sa totoo lang hindi ko talaga alam ano ang dapat sabihin. Hindi naman ako nerbyusong tao, ngayon lang.

JIA: "You have nothing to be sorry about."

Malumanay niyang sagot.

BEA: "I don't know what to say. Hindi ko sinasadyang magkagusto sayo. Hindi ko rin naman ito inasahan."

Mas mahirap pa ito kaysa sa mga pakikipag business meeting ko.

JIA: "Kelan pa?"

Iniwas ko ang tingin sa kanya at sa malawak ako na karagatan nakatuon ang pansin.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon