25 - ENOUGH

543 19 0
                                    

Kindly visit also heyitsmeEMnop account...

Yung author po niyan ay isa sa mga nagbibigay ng suggestion sa mga stories ko.

Thanks 💙💙💙

-------------------------------------------------------------

J

IA POV

Finally after long draining hours of travel nakapasok na kami sa bungad ng Pangasinan. Kaya naman, ginising ko na siya kasi hindi ko na alam ang address na pupuntahan namin.

Ang sarap ng tulog niya nakasandal
ang ulo niya sa headrest at may nakaharang na isang kamay sa mga mata niya.

I move her shoulder para gisingin siya. Medyo dahan dahan lang ang paggisi g ko sa kanya kasi baka mabigla at uminit na naman ang ulo. Good thing naman at nagmulat agad siya ng mga mata.

Napalunok muna ako bago magsalita to clear my throat.

JIA: "Nasa Pangasinan na tayo, hindi ko na alam kung nasaan yung site na pupuntahan natin."

Napatingin lang siya sa akin trying to process what I have said. Then, tumayo na siya at lumabas ng kotse. Then, bumalik na ako sa pwesto ko kanina. Pagpasok niya sa drivers seat, hindi muna niya ito pinaandar.

Napatingin siya sa direksiyon ko at salubong ang dalawang kilay.

BEA: "Bakit ngayon mo lang ako ginising?"

Angil niya sa akin.  Kaya napataas ako ng kilay.

"Anong problema ng isang ito? Kasungit naman. Wala naman akong ginagawa sa kanya, makasungit naman wagas." (nagtataka at naiinis na usal ko sa isip)

JIA: "Malay ko bang gusto mong magising kanina pa."

Ganting angil ko sa kanya. Kakainit din siya ng ulo eh.

BEA: "Hindi mo pala alam ang lugar, tapos ngayon ka lang nanggising."

Patuloy na maktol niya.

"So ako pa talaga ang may kasalanan. As in kasalanan ko talaga. Gxxx baklang to. Sasabunutan ko to kapag hindi ako nakapagpigil." (patuloy na usal ko sa isip)

JIA: "Sira ba yang tuktok mo? Bakit parang na alog yang utak mo?"

BEA: "Dapat kasi kanina mo pa ako ginising."

JIA: "Magdrive ka na nga lang, wala kang kwentang kausap."

BEA: "Ikaw naman walang kwentang kasama."

Patuloy na bangayan naming dalawa.

JIA: "Anong sabi mo?"

BEA: "Ang sabi ko, bingi ka."

JIA: "Ikaw naman gxxx ka."

Mura ko sa kanya. Kakapikon na kasi eh. Kagigising lang nagwala na.

BEA: "Murahin mo ako ulit, tuturuan ko ng leksiyon yang bibig mo."

Pagbabanta niya sa akin. Ang talim pa ng tingin niya sa akin.

JIA: "Umayos ka, kung ayaw mong mamura ka."

BEA: "Yang bibig mo ang ayusin mo. Kababae mong tao nagmumura ka."

JIA: "Sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin. Di ba nga ikaw, gagawin mo kung ano ang gusto mong gawin?! So walang basagan ng trip."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon