54 - SONG

581 25 6
                                    

Huling update para sa pagtatapos ng taon ng 2019 at pagsalubong sa panibagong taon ng 2020...

Happy a blessed New Year everyone.

Ayan dalawang part na yung update para naman masiyahan kayo.

-------------------------------------------------------------

BEA POV

Nagising ako na masakit ang buong katawan. Maigsi kasi yung sofa, kaya kailangan kung pagkasyahin ang sarili habang nakahiga rito.

Bumangon ako and I stretch my hand and my body trying to ease the pain somehow. Medyo masakit din ang ulo ko, mabigat. Pero sanay na akong magising na ganito ang epekto sa ulo ko dahil madalas naman akong uminom.

Naglakad ako papunta sa kitchen, naghilamos at nagmumog bago kumuha ng tasa para magtimpla ng kape.

Habang nagpapainit ng tubig, naisipan kong puntahan si Jia sa bed. Mukhang hindi pa ata ito nagigising. Tama nga ako, ang sarap pa ng tulog niya sa bed.

Hindi ko na muna siya ginising, pinagmamasdan ko lang muna ang maganda niyang mukha. Hindi ko alam gaano ako katagal na pinagmamasdan siya.

Since tulog pa ay hinayaan ko na lang muna. Panigurado masakit ulo niya paggising. Kaya, bumalik na lang ako sa kitchen.

Nag-ayos ako ng dalawang tasa, inilabas ko rin yung coffee at cream. Kumuha ako ng bread at nilagyan ng butter bago initin.

Nang maisayos ko na ang pagkain bumalik ako sa room para gisingin si Jia. Pero gising na ito at nakaupo na siya sa gilid ng bed.

Nakahawak pa siya sa ulo niya at nakayuko, ang mga kamay niya ay nakatukod sa tuhod niya. Mukhang may hangover siya.

BEA: "Good morning."

Pagpukaw ko ng atensiyon niya. Napalingon ito sa akin.

JIA: "Good morning."

Pero halata ang discomfort sa mukha niya.

BEA: "Let's go to the sala. Naghanda ako ng coffee para mabawasan ang sakit ng ulo mo."

JIA: "Sige. Sunod na ako. Pwede bang gumamit ng banyo mo?"

BEA: "Sure. Dun sa cabinet sa taas, may mga towel dun. May extrang toothbrush din, you can use it."

JIA: "Thanks."

Iniwan ko na siya at nauna na ako sa sala.

BEA: "Here."

Iniabot ko sa kanya ang tasa ng makarating na siya sa sala.

JIA: "Thanks. Ang sakit ng ulo ko. Ayoko ng uminom sa susunod."

Pagrereklamo niya ng makaupo at uminom na sa tasa.

BEA: "Hahaha. Hindi dahil nasaktan ka, hindi mo na uulitin. Hahahaha."

JIA: "Yung alak ba tinutukoy mo? Ngayon lang sumakit ang ulo ko nang ganito."

BEA: "Yeah. Yung alak. Hahahaha. Hindi ka lang siguro sanay uminom ng beer kaya ganyan."

JIA: "Umiinom naman ako kaya lang hindi ganun ka dami."

BEA: "Dapat pala ay dalasan natin ang pag-inom para naman masanay ka at hindi masaktan."

JIA: "Hindi ako sunog baga. Mahal ko pa ang atay ko."

BEA: "Gusto mo bang imassage ko ang ulo mo?"

Nilingon niya ako bago nagsalita.

JIA: "No thanks. Baka balian mo pa ako ng leeg."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon