JIA POV
BEA: "Why did you kiss my lips kanina?"
Diretsahang tanong niya sa akin at hindi inihiwalay ang tingin niya sa mga mata ko. Yung tingin na sadyang nakakailang na parang may something.
Isa pa nabigla din ako sa kanyang katanungan. Hindi ko kasi expected na yun ang tatanungin niya sa akin kasi hindi naman ako nagtatanong kapag siya ang gumagawa ng ganun.
But then, I find my heart just suddenly beat differently. I don't know why. Lalo at hindi ko rin alam kung bakit ko yun nagawa kanina.
Ang naisip ko lang kasi ay kung paano ako makawala sa kanya at yun agad ang sumagi sa isip ko kaya hindi ko na pinag-isipan pa.
And now, ito na nga. Mapapahamak ako sa nagawa ko. Napalunok ako and I open my mouth to say something or anything. But to my dismay walang lumabas sa mga bibig ko.
And she just keeps on looking at me intently, kaya nastress tuloy ako bigla sa hindi ko malamang dahilan. Or maybe because of tge way she looks at me?
And now ay nakaramdam ako ng pagsisisi sa ginawa ko kanina dahil ipapahamak ako ng ginawa ko at hindi ko alam paano lulusot sa tanong niya.
Huminga ako ng malalim at humugot ng maraming hangin bago nagsalita.
JIA: "Ako lang ba? Ikaw din naman ah, nanghahalik ka!"
Ganting pang-aakusa ko sa kanya. Yun na lang kasi ang pinaka option ko, ang i-divert sa kanya ang sitwasyon.
Though in a way totoo naman talaga kasi yun. Nakakarami na siya ng nakaw na halik sa akin pero hindi ko naman siya tinatanong ng ganito about it. Tapos siya itong makaulirat ng tanong wagas.
In response, she just laugh at me with my accusation against her.
BEA: "Hahahaha. What's with the angry response baby? Nagtatanong lang naman ako ah. Unless na lang. Hahaha."
Hindi na niya tinapos pa ang kanyang sasabihin kasi pinandilatan ko na siya ng mata.
JIA: "Eh kasi yang mukha mo eh. Kung makatingin ka kasi sa akin nakakaasar."
Defensive mode na agad ako, kasi mang-aasar talaga siya at this point. Ewan ko ba, kapag siya ang nang-aasar sa akin ay napipikon agad ako. I just easily get affected.
BEA: "You are not answering my question baby. Why with the kiss?"
JIA: "Ikaw nauna eh."
BEA: "You are tempted to kiss me?"
Panunukso niya. Yung ngiti niya kasi at ang mata niya, pang-asar. Gusto ko na talaga mapikon sa kanya. Konti na lang.
JIA: "I'm not."
Pagsisinungaling ko. And hindi ko rin naman kasi talaga alam bakit ko siya hinalikan that time. But apart of me just disagree.
BEA: "Don't be shy baby. Hindi naman ako magagalit kung natempt kang halikan ako. Kissable naman kasi talaga ang lips ko."
JIA: "Kapal. Hindi kissable ang lips mo. Isa pa, tigilan mo nga yang baby, ulit-ulit ka."
Pang-uuyam ko sa kanya. Lakas kasi ng self-confidence niya. Though hindi ko rin masyadong maidentify kung kayabangan nga ba iyon or nang-aasar lang siya.
Isa pa yung kaka'baby' niya naiinis na tenga ko. Naiirita ako. Kakaiba pa man din yung pagkakasabi niya ng 'baby'. Nilalagyan niya kasi ng kalandian yung boses.
BEA: "Hindi kissable?! Hindi mo nagustuhan?!"
Sabay kagat labi siya at kumindat pa sa akin.
JIA: "Ehhhhhh. Bahala ka nga diyan. Bwisit ka."
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...