65 - EMOTIONS

638 32 9
                                    

JIA POV

Two days... Ganun katagal akong nagkulong sa loob ng room para tapusin at ifinalize na ang kailangang blue print para sa launching ng partnership nang kompanya namin ni Bea.

And I am pretty sure, I'll gonna get a yes from all of them. Matagal ko nang sinimulan ang blueprint, polishing na lang kasi ang kailangan pero inabot pa din ako ng dalawang araw.

For two days, hindi kami naggala ni Bea or namasyal. Napag-usapan kasi naming dalawa na unahin muna ang proyekto kasi kailangan nang tapusin.

Kapag natapos na kami pareho sa ginagawa, tsaka namin pag-uusapan kung mamamasyal pa ba kami or babalik na nang Manila.

Nagkakasama lang kaming dalawa kapag kakain. Pero yung snacks sa kanya kanyang room lang kami kumakain. Working snacks at merienda.

Though kahit ganun ang set-up namin at hindi kami nagkakasama, hindi pa rin maiwasan na gagawa siya ng paraan para lang makapang-gulo.

Kapag nabored siya, bigla na lang magtext sa akin para mang-asar. Kaya ang asaran naming dalawa ay puro nasa text lang.

Once pumasok siya ng room para dalhan ako ng merienda. Pero nagbalak lang pala siyang mambwisit kaya nagdala ng pagkain that time. 

Habang prente akong nakaupo at nakatutok ang buong atensiyon sa laptop bigla ba naman niya ako niyakap ng mahigpit mula sa likod at walang prenong hinalikan sa pisngi.

Sabay takbo niya palabas ng room na tumatawa. Hindi na nga ako nakatayo para habulin siya. Ang bilis kasi ng pangyayari. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagtext siya para mang-asar lalo. Hindi ko na pinatulan kasi lalo lang siya mang-aasar.

Nang matapos ang ginagawa kong blueprint, I excitedly texted her na tapos ko na itong gawin. And she replied, na tapos na rin siya.

Kaya dinala ko yung blueprint at pumunta sa room niya. Nakabukas naman ang pinto kaya kumatok na ako at pumasok.

JIA: "Hey, I am done."

Masaya kong balita sa kanya. Nakaupo siya at nakaharap sa working table niya. Sa harap ng maraming mga papel at isang laptop.

BEA: "Patapos na rin ako. I am just sorting out kung alin ang maganda. Since nandito ka na rin, might as well do the honor sa pagpili. You are good at that."

JIA: "Sure ka? Ako pipili?"

BEA: "Oo naman. It's a collaborative partneship kaya kailangan ko ng opinion mo for this."

Nakangiti niyang paliwanag. Kung noon lagi kami nagpapataasang dalawa ng ere ngayon ay magkasundo kami sa mga bagay bagay.

JIA: "Okay. Habang tinitingnan ko ang gawa mo, take a look also on the blue print na ginawa ko."

BEA: "Akin na. Maupo ka rito."

Tumayo siya at ibinigay ang pwesto niya sa akin. Hinatak niya ang isang chair at naupo sa tapat ko. Tiningnan niya ang gawa kong blue print.

I started looking at all her work. Impressive talaga ang mga gawa niya. Alam mong pang international ang caliber niya.

Habang tintingnan ko isa-isa ay hindi ko maiwasang mapahanga sa mga gawa niya. She has the talents and skills. Samahan mo pa ng knowledge niya.

Kaya naman ay napaangat ako ng tingin to look at her direction, yun pala nakatingin siya sa akin at hindi sa blueprint.

JIA: "What? May dumi ba ako sa mukha?"

Taas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.

BEA: "Mas maganda ka pala sa malapitan."

Nakangiti niyang tugon at hindi niya inaalis ang tingin sa akin.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon