52 - CRAZY

527 25 4
                                    

JIA POV

Nasa byahe ako ngayon pauwi na ng condo unit ko. Kagagaling ko lang sa work and naisipan kong sa condo na muna tumuloy. May project kasi ako na pinag-aaralan.

Since nasa mood akong asikasuhin, sinulit ko na ang chance. Bihira lang kasi ako sapian ng ganitong uri ng kasipagan sa katawan.

Habang nagmamaneho ay bigla tumunog ang phone. I take a look, merong nagtext. Napakunot noo ako ng makita pangalan ni Bea ang nakalagay.

"Ano na naman kaya ang trip mg baliw na ito?" (usal ko sa isip)

Dahil nagmamaneho ako, hindi ko na lang pinansin ang text. Panigurado naman mang-aasar lang siya. Kaso may kasunod pa itong isang text at nasundan pa ng pangatlo.

Kaya napilitan na akong tignan ang text niya. Medyo binagalan ko muna ang pagmamaneho.

From BEA PANGET:
Baby, puntahan mo ako sa condo now. Please.

"Ano?! Siraulo, pinapupunta ako sa condo niya ngayon mismo. Nababaliw na ba to? Pero bakit may please? Hindi naman ito nagsasabi ng please kapag mag-uusap kami or kahit na sa text." (hindi makapaniwalang usal ko agad sa sarili)

To BEA PANGET:
Wrongsend ka ata. Baliw.

Baka sa iba niya dapat isend. Wala sa ugali niya ang magsabi ng please. Pero may kasu od agad ito na reply.

From BEA PANGET:
Baby. Parang awa mo na. Puntahan mo na ako sa condo. Para talaga sayo yan. Ikaw lang naman ang baby ko.

"At talaga naman. Makikisuyo na lang,  mang-aasar pa ng baby. Napapahamak ako diyan sa kakababy niya." (angil ko rito)

To BEA PANGET:
Pwede ba, wala ka man lang bang ibang kaibigan na pwede mo abalahain ng ganitong oras? Nasa byahe ako at nagmamaneho. Baby mo nguso mo.

From BEA PANGET:
It's an emergency. Puntahan mo na ako sa unit ko. Ngayon na.

Emergency niya mukha niya. Panigurado, isa na naman to sa mga kalokohang pakulo niya. Hindi ko na siya nireplayan. Bahala siya sa buhay niya.

Nagpatuloy lang ako sa pagmaneho at hindi na siya inintindi pa. Kalaunan ay bigla ko na lang naisip.

"Emergency ang sabi niya. Siguro hindi naman siya magloloko sa bagay na yun. I mean, professional siya at alam niya ang implication ng emergency. Hindi kaya may nangyari sa kanya?"

Medyo napaisip ako dun. Paano pala kung emergency, kargo di konsensiya ko pa kapag may nangyari sa kanya. Baka masisi pa ako at wala akong ginawa.

Kaya naman kinabig ko ang manibela para bumalik. Nakalagpas na kasi ako kanina sa intersection na papunta sa unit niya.

"Pambihira. Siguraduhin mo lang talaga na emergency ito Beatriz kapag ito kalokohan mo lang, baka hindi ako makapagpigil, masasakal talaga kita."

To BEA PANGET:
I'm on my way.

Pero hindi na ito magreply pa. Kaya lalo tuloy akong nag-alala. Paano na lang kung may masamang nangyari sa kanya. Or di kaya baka sinubukan niya magpakamatay at naubusan siya ng dugo.

Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa utak habang nagmamadali na makarating sa unit niya. Buti na lang naalala ko pa ang daan papunta sa condo niya.

Nang makarating sa parking area sa floor kung saan ang unit niya, mabilis ako na bumababa ng sasakyan.

Buti na lang at malapit na ito sa unit niya at hindi ko kailangan dumaan sa information desk. Baka maging issue na naman kapag nakitang andito ako.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon