73 - HONEST

615 23 7
                                    

JIA POV

Nasa isang bar kami ng mga kaibigan ko. Just a simple gathering para mag-inuman at kwentuhan ng mga kanya kanyang ganap sa buhay as we usually do.

Kararating ko lang din two days ago mula sa trip namin ni Bea sa Greece. Kaya ngayon lang din dinala ang pasalubong ko para sa mga kaibigan ko.

Dapat nga ay lalabas kami ni Bea ngayon para mag dinner. But then, hindi na natuloy kasi magkikita kaming magkaibigan.

JHO: "Kamusta na kayo ni Bea?"

Pasimulang tanong ni Jho after namin makakain at nagsimula na ring magbukas ng mga inumin.

JIA: "Okay naman. Bakit mo natanong?"

Nagtataka kong wika sa kanya after kong uminom. Pwede naman kasing si Miguel ang kamustahin pero si Bea ang tinatanong niya.

JHO: "Kasi lagi kayo ang magkasama eh."

MICH: "Take note, nag Greece pa sila."

JIA: "Natural business partner kami at may inaasikasong project. Yung sa Greece dahil yun sa success ng launching."

Para kasing may something ang mga tinutukoy niya na magkasama lagi.

TREY: "I will go straight to the point Ji, ano ba talaga ang meron sa inyong dalawa ni Bea? Partnership lang ba talaga?"

JIA: "What do you mean?"

Parang alam ko na saan patungo ang usaping ito. Pero ayoko naman mag assume.

TREY: "Mas madalas mo na siyang nakakasama even out of town. Minsan nga in public pa at lumalabas din ito sa mga social media. Ayaw namin mag assume, kaya lang kahit ang ibang mga tao ay napupuna ang closeness niyong dalawa."

MICH: "Huwag mo sanang mamasamain ang usapang ito Ji. Ayaw man naming manghimasok sa relasyon niyo ni Bea but as your friend we also care for you."

JIA: "Ano ba talaga ang gusto niyong sabihin?"

Hindi pa kasi nila diretsuhin ang gusto nila sabihin.

JHO: "Gaya ng tanong ni Trey, ano ba talaga si Bea sayo? Because the way I see it and with all the rumors, she is not just a friend."

Medyo na-off ako dun. Alam kong diretso talaga si Jho magsalita. Pero hindi ko napaghandaan ang ganitong sitwasyon.

MADDIE: "Ang daming nag aassume about sa relasyon niyo ng business partner mo. And I don't even know how Thirdy and Miguel handles these things."

JIA: "Sinabi ko na di ba. Magkaibigan kami. Miguel even knows that. Nag meet na sila ni Bea. We even go out, the four of us. Alam din nila ang tungkol sa Greece."

PONGS: "Concern lang kami sayo. Sinasabi namin kung ano ang nakikita namin. You can deny all you want Jia but your actions speaks differently."

JIA: "Nauunawaan ko kung bakit ganyan ang mga opinions ninyo about me and Bea. And thankful naman ako sa honesty niyo and pag-aalala niyo sa akin."

Nauunawaan ko naman talaga sila. Kasi kahit kami ni Bea, we never expect na magkakasundo kaming dalawa ng ganito. And even Bea admitted na gusto niya ako.

JIA: "It is just that I am comfortable with Bea and she feels the same way too. Kaya nagkakasundo kami sa mga bagay bagay. And that is the reason why sobra kaming naging close more than just a business partner."

MADDIE: "Ganun din naman tayo sa grupo. We are comfortable with each other. Pero kahit na ganun pa man, may boundaries tayo. Pero yung sa inyong dalawa? I don't know. Just an observation."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon