32 - DATE

724 23 8
                                    

JIA POV

Naandito kami ngayong dalawa sa isang tanyag na honesty store ng Batanes. Nagpapahinga muna kami at nagpapalipas ng oras sa coffee shop.

Mahaba na rin kasi ang naibyahe naming dalawa. At marami kaming narating at nadaanan na magandang lugar na tabing dagat.

Ang isa pang maganda sa lugar ay hindi masyadong maraming sasakyan. Iilan lang ang makikita at makakasalubong mo na sasakyan.

Nagmerienda muna kami habang pinag-uusapan ang napakagandang lugar na napuntahan na naming dalawa. Nasasali din sa usapan ang tungkol sa personal na buhay namin.

BEA: "Baby, nung college ka anong sports mo?"

Curious niyang tanong habang kumakain kami.

JIA: "Volleyball."

BEA: "Hobby or part of varsity?"

JIA: "Varsity."

BEA: "Woahhh... Kaya pala lakas ng kamao mo at bilis ng kamay mo."

JIA: "Kaya umayos ka kung ayaw mo masaktan ulit."

BEA: "Anong position?

JIA: "Setter."

BEA: "Siguro kong sabay tayong naglalaro pareho, baka malakas ang connection natin sa isat-isa."

Sabay kindat pa ng mokong.

JIA: "Malamang matatalo tayo lagi kasi mukhang mas maingay ka kesa sa may ibubuga ka."

BEA: "Hahahaha. I have an excellent connection with my setter. Pero kung ikaw ang setter ko, I tell you magiging irreplaceable ang connection nating dalawa."

JIA: "Kung landi ang usapan sa court for sure unparralleled ang kalandian mo. At lalong wala ring makakablock sayo. Lakas mo eh."

BEA: "Hahahaha. Huwag ka mag-alala sigurado naman akong hindi ako maglalandi sa iba. For sure, ikaw lang ang lalandiin ko sa loob ng court."

Napailing na lang ako sa mga sinasabi niya. Hindi talaga siya nauubusan ng mga sasabihin niya. Para siyang nakaprogram na kapag may sinabi ka ay alam na agad niya ang sagot.

JIA: "Player ka ba nung college?"

BEA: "Naglalaro laro din. Kaya lang mas nakafocus ako sa business kaya hindi ako sumali sa varsity. Inaaya nila ako pero ayoko."

JIA: "Ganun?! Sayang naman ang talent kung hindi mo man lang ginamit."

BEA: "Ginamit ko naman, hindi nga lang fully. Kasi iba ang gusto ko gawin eh."

JIA: "Aside from volleyball, may iba ka pa bang sports?"

This time, ako naman ang magtanong.

BEA: "Yeah. I play badminton back then in high school. Marunong din ako ng softball, soccer and billiards."

JIA: "Ehdi ikaw na. Ikaw na ang anak ng Diyos na maraming talent."

BEA: "Hahaha. Hindi ko kasalanan na pinagpala ako."

JIA: "Ang unfair. Parang sayo binigay lahat, tapos sa iba parang ipinagkait."

BEA: "Parang wala namang ibinigay?!"

JIA: "Luh. Anong tawag mo diyan sa height mo? Sa skin mo? Yung mga kayamanan mo? Yung sports na nalalaro mo? At yung ga...."

Sasabihin ko pa sana yung gandang gwapo niya pero hindi ko na itinuloy. Wrong move kasi yun. 

BEA: "At yung ga..."

Pag-ulit niya ng makahulugan. Nakangisi na nga siya at mukhang alam niya ang huling kataga na gusto kong sabihin.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon