74 - TENSED

1.3K 37 27
                                    

JIA POV

Nasa restaurant ako ngayon kasama si Miguel at kasama din si Bea at Thirdy. Nagyaya si Miguel ng date, hindi niya nabanggit na kasama pala sina Bea at Thirdy.

MIGUEL: "Buti naman at pwede kayong dalawa ngayon, akala ko busy na naman kayo."

THIRDY: "Pwede ba naman kaming mawala. Umorder na ba kayo?"

MIGUEL: "Hindi pa, hinintay namin kaya. Isa pa nauna lang kami ng konti sa inyong dalawa."

THIRDY: "Nagpaganda pa kasi ng husto ang babe ko, kaya natagalan kami."

Then, pinalo niya si Thirdy sa balikat.
Hindi naman niya ininda yun, instead tumawag na lang siya ng waiter para makapag order na kami.

Dalawa lang yung ibinigay na lagayan ng menu. Kaya share na lang kami sa binabasa ni Miguel at ganun din si Thirdy at Bea.

After ng ilang minuto na pagpili, nakapagdecide nankami ng kakainin at naiorder na rin.

JIA: "Bakit wala man lang kayong sinabi na double date pala ito?"

THIRDY: "Naisipan lang namin ni Migz. Para naman magkaroon tayo ng oras together. Puro busy na lang kasi sa work."

BEA: "Busy ka diyan, lagi ka na ngang nasa office."

THIRDY: "Busy ako sa pagbabantay sayo. Wala ako magawa sa bahay."

MIGUEL: "Wala kayong training?"

THIRDY: "My one week break kami."

JIA: "Kaya may oras maglandi."

Tumawa si Miguel at Thirdy.

BEA: "Hindi kami naglalandi sa office."

Defensive agad na sagot niya.

JIA: "Wala naman akong sinasabi ah? Bakit defensive ka?"

BEA: "Iba kasi ang iniisip mo. Parang may laman yung pagkakasabi mo eh."

JIA: "Hahaha. Totoo naman eh, di ba Thirds, naglalandi kayo sa opisina? Hahahahaha."

Nagkamot lang si Thirdy. Si Bea binato ako ng tissue.

MIGUEL: "Oo nga pala, napag-usapan namin ni Thirdy kung pwede kayong dalawa bakit hindi tayo mag out of the country na apat?"

Sabay kaming napatingin ni Bea sa kanya.

JIA: "Out of the country? Bakit?"

MIGUEL: "Mamasyal. Mas marami mas masaya."

THIRDY: "Cool na cool ako sa ganyan. What do you think babe?"

Sabay tingin kay Bea at inayos pa ang buhok nito na nawala sa pagkakaipit sa tenga.

BEA: "I'm okay with it. Ang tanong possible ba yung mga schedules natin?"

MIGUEL: "Yun ang pag-usapan natin. Anong month ba ang preferred niyo na walang masyadong ginagawa?"

JIA: "Mas okay siguro kung lalaruin natin yung bakasyon ni Thirdy. Nakafixed kasi ang schedule niya. Yung sa atin naman madali nang iadjust."

THIRDY: "Okay ba sa inyo na December?"

MIGUEL: "Okay lang ako."

JIA: "Sa pagkakaalam ko wala naman akong major projects sa darating na December."

BEA: "I can manage to free up my sched anytime of the day by December."

THIRDY: "So, it means tuloy na?"

BEA: "For me, it's a yes."

MIGUEL: "Go na ako dun."

JIA: "Sinong magpapabook ng dates?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon