20 - UNEXPECTEDLY

609 28 4
                                    

But wait... There's more...
Dahil tatlong set kaya tatlong part
ang Update...
And baka hindi kayo mag enjoy dun sa unang dalawang update kaya ayan na. Para maganda tulog niyo tonight.

-------------------------------------------------------------

JIA POV

After a week ng naging presentation ay magkikita ulit kaming dalawa ng CEO ng Parleon para sa final push ng gagawing plans for the project.

Napagdesisyunan namin na mag individual plans muna para sa gagawing plano and then we will present after a week.

Kaya I am preparing now para sa mga gagamitin ko sa presentation na kailangan kong dalhin. I already finished with the plans last night. I just made a run through with the documents this morning.

Pero habang nasa kalagitnaan na ako ng pag-aayos ay tumunog ang phone ko. Kaya tumigil muna ako sa ginagawa at tiningnan muna ang nagtext.

Napakunot ako ng noo ng makita ang pangalan ng nagtext sa phone ko. Unexpectedly, it was the Bastos girl. Out of curiosity binuksan ko ang mesahe niya.

"I am on my way now to your office. Diyan na lang tayo magmeeting."

Napanganga ako at napatulala sa nabasa. Paano ka pa magrereact sa kanya na huwag eh papunta na siya.

Kainis talaga ang babaeng ito kahit kelan. Wala siyang pakundangan sa mga ginagawa, sasabihin lang ang gusto tapos ikaw na susunod sa kanya. Boosit talaga siya sa buhay ko.

Ano na naman ang trip niya at dito naisipang gumawa ng presentation. Baka mamaya niyan may binabalak na naman yun.

Since wala na ako magawa, tumawag na lang ako sa information desk na darating ang CEO ng Parleon. Kung naloka ako sa text niya mas naloka ako sa reaction ng kausap ko. Kaloka, bigla ba naman tumili nang binanggit ko ang CEO ng PARLEON.

"Sorry po maam. Na overwhelm lang po. Dinig ko pa ang pagpigil ng kilig niya sa telepono."

JIA: "Bago mo unahin ang landi, magtrabaho ka muna. Kindly assign someone to welcome the CEO at para ihatid dito sa office ko. And magprepare na rin kayo ng pagkain."

Narinig ko pa ang panghinayang na iba ang sasalubong at maghahatid sa CEO at hindi siya ang gagawa nun.

I take a look on my clock. It is 10 am.

JIA: "Prepare narin for snacks right away. And then, para na rin sa lunch later."

Dugtong ko sa mga kailangan niya ayusin.

"Noted po maam. May idadagdag pa po ba kayo?"

JIA: "Wala na, pakiready na lang yung mga kailangan. And any moment ay darating na yun."

Ibinaba ko na ang telepono. Napailing na lamang ako. Hanggang dito ay may nakakakilala pa pala sa isang kumag na yun. At ang nakakainis mukhang type pa siya.

"Mga babae nga naman talaga, may aking kaharutan". (napailing na wika ko sa sarili)

Ipinagpatuloy ko ng ayusin ang table ko at ang mga gamit. Dinala ko na sa conference table ang mga gamit ko. Since dalawa lang naman kami, pwede na sa amin yung table sa gilid ng office ko.

Nang makapag ayos ay naupo na ako sa swivel chair at tiningnan ang aking laptop para reviewhin ulit ito. After 20 minutes ay tumunog ulit ang cellphone ko at tumatawag na siya.

"Pambihira ano na naman kaya ang sasabihin ng isang ito at tumatawag pa para manggulo."

Wala naman akong choice, kaya sinagot ko ito.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon