60 - GATHERING

795 28 10
                                    

BEA POV

"I am sorry about the kiss awhile ago."

I just felt like I needed to apologize to her for what had happened. Hindi ko pinlano na halikan siya, nung pumikit kasi siya napadako ang tingin ko sa mga labi niya. And I was tempted to kiss her.

And to be honest, hindi pa kasi ako nakaget over sa naging halikan namin sa condo niya just more than a week ago. Kaya agad ito nanariwa sa utak ko ng masilayan ang kanyang mga labi.

Nanaig tuloy ang kagustuhan ko na mahalikan muli ang kanyang mga matatamis na malabi. Hindi ako nakapagpigil at tinawid ang pagitan naming dalawa.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang hinahalikan siya para ramdam ko ang bawat halik. Hindi ko rin inasahan na magrerespond siya sa ginawa kong paghalik.

I am aware that we are both in a relationship at alam kong dapat may boundary sa pagitan naming dalawa ni Jia. Pero tuwing kasama ko siya, everything is limitless. Nawawala yung boundary na yun.

Kaya ng matapos ang halik ramdam ko yung guilt feeling sa ginawa ko kasi alam kong mali at hindi dapat. Isa pa, kakasimula pa lang namin ni Thirds ng panibagong yugto tapos may ganitong ganap.

BEA: "Honestly, I didn't know what came in to me and I did that. I am really sorry.  Magkaibigan pa rin naman tayo, right?!"

Pag-amin ko sa kanya ng naging saloobin about it. Natatakot din kasi ako na magbago ang pakikitungo niya sa akin because of it.

Natulala lang siya sandali sa pwesto niya at nakatingin sa akin. Tapos, napahawak sa batok.

JIA: "Kalimutan na lang natin yun. It just happened too fast and I don't know how to explain it myself either."

Medyo tuliro niyang sagot. Mukhang gulantang parin siya. Though apart of me wonders kung bakit siya nagrespond pero narealize ko din kung ako nga hindi ko rin alam bakit ko ginawa.

BEA: "Baka nadala lang tayo ng too much emotions natin. Matagal din kasi tayong hindi nagkita at nagkasama. Baka namiss ata natin ang presence ng isat-isa. Kaya normal reaction lang naman siguro yun."

Wala na akong maisip na sabihin. Ayoko rin naman na maputol ang usapin namin dahil magiging awkward na kami sa isat-isa.

JIA: "Matagal?! Halos wala pang two weeks yun. Matagal na sayo yun?!"

Nakangiti niyang wika. I guess gusto niya lang mawala yung feeling ng awkwardness. Mukhang pareho kami ng pakiramdam at ramdam niyang ganun din ako.

BEA: "Hahaha. Two weeks lang ba yun? Para kasing ang tagal kitang hindi nakita at nakausap baby eh."

JIA: "Ewan ko sayo. Pero salamat ulit dito."

Sabay hawak sa binili kong kwentas for her bilang pasalubong. Kahit nagtampo ako sa kanya kasi hindi siya nagmessage ibinili ko pa rin siya ng pasalubong.

BEA: "Walang..."

JIA: "Huwag mo nang ituloy yang sasabihin mo."

Pagputol niya sa sasabihin ko.

BEA: "Hahaha. Yakap ang tinutukoy ko Morado. Kung anu-ano yang iniisip mo."

Pagdadahilan ko sa kanya.

JIA: "Itsura mo. Tigilan mo ako sa kalokohan mo. Alam ba ni Thirdy itong binili mo para sa akin?"

BEA: "Oo naman. Kasama ko pa nga siya bumili. Sabi ko sa kanya, ibibigay ko sa baby ko."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon