62 - TOO CLOSE

528 24 7
                                    

BEA POV

Kababalik lang namin ng hotel mula sa gathering ng family nila. And for two days of being with her and their family, I can say that she is trully a good person.

Ang bait ng mga relatives niya especially her family. Mula kay tito Ariel, tita Heidi at mga kapatid niya. Napakawelcoming nilang lahat at thoughtful.

BEA: "Thanks again for allowing me to join your family gathering."

Nag-aayos siya ng towel, katatapos lang niyang gumamit ng bathroom. Suot niya ang pair na pantulog na panda.

JIA: "As if naman may choice ako."

Sinungitan na naman niya ako habang palapit na siya sa kama. Sa iisang bed lang kami natutulog. And tonight is the second night na magtatabi kaming dalawa.

Hindi ko naman naramdaman yung ilang na makasama siya sa iisang bed and hindi ko rin naramdaman from her yung awkwardness on her side.

BEA: "I am glad na nakasama ako. I did not regret coming here with you. To be honest, nag-eenjoy ako."

JIA: "Nag-enjoy ka lang kasi lahat ng atensiyon ay na sayo. KSP ka talaga kahit kelan."

BEA: "Nagseselos ka lang kasi gusto mo masolo mo lang ako."

Sinukat niya ako sa paraan ng matalim na tingin niya. Pero ngumiti lang ako sa kanya.

JIA: "Hindi ako katulad ng mga babaeng haliparot na yun na nagpapapansin sayo. Kaya, huwag kang maghahalucinnate na magugustuhan kita."

Pagtataray niya.

BEA: "Di mo ako gusto? Wala kang gusto sakin?"

Taas ang kilay na tanong ko sa kanya.

JIA: "Wala. As in capital W. A. L. A. Wala."

Sabay sampa niya sa bed para mahiga.

BEA: "Wala talaga?"

I move forward para mas mapalapit sa kanya. Pero hinarang niya ang mukha ko ng palad niya at itinulak palayo.

JIA: "Matulog ka na. Antok lang yan. Haharot ka pa, gabi na."

Sabay higa niya sa unan.

BEA: "Bakit wala kang gusto sakin? Ano bang ayaw mo sakin?"

Nahiga din ako sa bed, pero humarap ako sa kanya habang nakatukod ang isang kamay sa bed at nakaalalay sa ulo ko.

JIA: "Hindi ka pa ba pagod maghapon? Ang daldal mo pa rin hanggang ngayon."

Pagsusungit niya.

BEA: "Kapag nag-eenjoy ako, hindi ako nakakaramdam ng pagod."

JIA: "Pwes ako pagod. Kaya manahimik ka na at matutulog na ako."

Tinalukuran na niya ako. Sa kabilang side na siya humarap.

BEA: "Nag-away na naman ba kayo ni Miguel?"

Bigla siya humarap sa akin.

JIA: "At bakit naman ganyan ang tanong mo?"

BEA: "Ang sungit mo kasi eh. Baka nag LQ kayo kaya nagtataray ka."

Binato niya ako ng unan.

JIA: "Hindi kami nag-away ni Miguel. Baka nga kayo ni Thirdy ang nag-away kaya ako na naman ang ginagambala mo."

BEA: "Hahaha. Kapag talaga nababanggit ang jowa mo, buhay na buhay ka."

JIA: "Pwede ba Beatriz, utang na loob magpatulog ka na. Alam mo bang antok na antok ako kanina dahil sa kalokohan mo kagabi. Huwag mong sabihin na hanggang ngayong gabi pupuyatin mo na naman ako sa mga kalokohan mo."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon