JIA POV
JHO: "Bulaga!"
Malakas na panggulat ng kaibigan kong si Jhoanna. Magkasama kaming dalawa sa isang resto para pag-usapan ang outing na gagawin ng barkada.
Wala lang yung iba dahil on the way pa lang daw sila. As always naman, lagi silang late pagdating sa usapan.
JHO: "Ano ba Morado? Kung hindi ko lang alam na may boyfriend ka na, iisipin kong inlove ka. Anong nangyayari sayo? Kanina pa kita kinakausap, mukha akong taxxx rito na nagsasalita mag-isa."
Mahabang sermon niya sa akin na mahaba pa ang nguso. Literally kasi tulala talaga ako na hindi ko namalayan.
It has been a week mula ng makabalik ako ng Manila after ng isang hindi kanais-nais na insidente sa Batanes kasama si De Leon.
And since umuwi kami ni Bea mula sa Batanes escapade lagi na akong napapatulala at wala sa sarili. Even sa bahay, ganun din ako.
Paanong hindi ako mapapatulala, kahit isang linggo na ang nakalipas hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang isang gabing namagitan sa amin ni Bea.
I don't know, I was just totally distracted by the unfortunate incident. It was not intentional but still bothersome.
Until now, hindi pa kami nagkita at nag-usap dalawa after namin maghiwalay pagbalik namin ng Manila.
I was not actually bothered by the thought na magsasabi siya kay Miguel or kanina naman sa mga kaibigan niya kasi she assurred me about it many times even hanggang sa maghiwalay kaming dalawa.
Flashback...
Pareho kaming nasa eroplano at pababalik na ng Manila. Mula pagsakay kanina ay ramdam ko yung awkwardness sa pagitan naming dalawa.
Mula Batanes hanggang sa Subic ay wala kaming kibuan. Even hanggang sa pagsakay namin sa kotse niya. Katahimikan ang namamayani.
Hindi ko talaga alam kung ano ang mararamdaman. Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Mas lalo ako naiistress dahil nga parang my wall sa gitna naming dalawa.
Ipinikit ko ang mga mata para matulog na lang kaysa mababaliw ako kakaisip sa complikasyon ng aming sitwasyon.
Nagising na lang ako ng may umaalog ng balikat ko. And when I wake up, I saw her, she smiled pero alam mo yung alanganin.
BEA: "Saan kita ihahatid? I don't know kung saan ka nakatira."
Naupo ako ng maayos at nagkusot ng mga mata.
JIA: "Sa Ortigas na lang, saaan ba ang way mo?"
BEA: "Sa Ortigas ka ba nakatira?"
JIA: "No. Magpapasundo ako sa friend ko."
BEA: "Ihahatid na kita hanggang sa inyo."
JIA: "Hindi na. Nakakaabala na ako sayo. Tsaka baka malayo pa yung sa inyo."
BEA: "I insist."
JIA: "Hindi naman kailangan pa na...."
BEA: "Are you mad at me?"
Biglang wika niya kaya hindi ko natapos ang sasabihin ko.
JIA: "No. I'm not. Why would I?"
Nagtaka kong tanong sa kanya.
BEA: "You seem so cold to me. If it is about what happened..."
JIA: "No. It is not."
Ako naman ang pumutol sa sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...