JIA POV
Nagising ako nang makaramdam ng malakas na hangin. Pagmulat ko ng mga mata, narealize ko nasa duyan pala ako at may katabi, si Bea. Well, it is more of nakayakap kay Bea.
Naguguluhan na talaga ako sa emosyon ko. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Alam kong hindi dapat pero parang gusto ko naman ang nangyayari.
Hindi muna ako kumilos dahil tulog pa si Bea. Konting kilos ko lang ay gagalaw yung duyan. Kaya nanatili na lang muna ako sa pwesto ko.
I tried not to think too much kasi ang hirap unawain at lalo lang ako naguguluhan. Kung ano man ang naganap kanina, hindi ko na inisip pa at hindi initindi.
And I guess Bea did the same thing. Dahil hindi naman siya nagbanggit about it. Kaya hindi ko na rin binuksan pa para mapag-usapan.
And to be honest, natakot akong alamin kung bakit naganap ang hindi dapat. Dahil ang nangyari kanina, wala man lang akong naramdaman na pagtutol.
I was even wondering kung bakit ako nagrespond sa kanya, and worst is, I was even the first one who kissed her dun sa pangalawa.
Bea makes me feel comfortable. Yung intimacy and closeness between us, hindi naging issue sa akin. Nasanay na ako tuwing nagkakadikit kami or magkakalapit.
Pero ang hindi ko lang maunawaan ay yung pagrigodon ng puso ko kapag magkalapit na kami. Hindi ko rin maunawaan kung bakit hinahayaan ko siyang halikan ako at bakit ako nagrerespond.
And I felt even more confused about myself because I like it. Nagustuhan ko yung nangyari and sometimes I am left wondering about it.
Habang natutulog si Bea inabala ko ang sarili na pagmasdan ang mga magandang tanawin. I can spend the whole day just looking at it. Tapos ang sarap pa ng hangin.
Natawag ang pansin ko ng may biglang humuning ibon at dumapo ito sa isang sanga. Then, sumunod dito ang isa pa. Kaya magkatabi itong nakadapo na akalain mong nag-uusap lang.
Naaliw akong pagmasdan ang pagkilos ng mga ito at pakinggan ang kanilang mumunting huni. Hanggang sa naramdaman kong kumilos si Bea.
Kaya napatingin ako sa kanya. Gising na nga ito.
BEA: "What time is it?"
JIA: "Almost 4:00."
BEA: "Nakatulog ka ba?"
JIA: "Oo naman, nauna lang ako ng konti nang nagising."
BEA: "Gutom ka na? Gusto mong kumain?"
JIA: "Busog pa ako, ang dami kong kinain kanina. Gutom ka na ba?"
BEA: "Hindi pa. Busog rin ako."
JIA: "Let's just stay here for awhile."
BEA: "Sure."
She moves a little bit and hug me. Kaya tahimik kami na nagpahinga sandali sa duyan. Matapos ang ilang sandali ay nagdecide na kaming bumangon at bumalik sa kubo.
BEA: "Gusto mo bang magsnacks?"
JIA: "Sige, magsnacks na tayo."
Siya nag-ayos ng mga pagkain. Maasikaso si Bea, hindi mo akalain na may ganun siyang personality. Mas mukha kasing siya ang pinagsisilbihan.
JIA: "Thanks."
BEA: "Let's eat."
Kaya nagsimula na kaming kumain.
JIA: "When did you plan to present the project proposal?"
BEA: "Pagbalik natin ng Manila. Magpapaschedule na ako. Available ka ba?"
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...