31 - MOMENT

662 19 2
                                    

JIA POV

Maaga ako nagising kasi sabi niya mas maganda daw mamasyal kapag hindi pa mainit at tirik ang araw. Hi di masakit sa balat maglakad lakad.

After kong maligo ay bumaba na ako para makapag agahan. Wala akong naabutang tao sa baba. Seeing the plate in the table, mukhang nauna na siyang kumain kasi may bawas na yung mga food.

Naupo na ako at kumain na ng mga nakahain sa mesa. Maraming pagkain sa mesa kaya naman ay nabusog ako sa agahan.

After kong kumain ay inayos ko na at hinugasan ang mga pinagkainan ko. Pati pinagkainan niya ay ako na rin ang naghugas.

Iba na talaga ang anak mayaman, pati plato di marunong maghugas. Balak pa ata akong gawing katulong sa bakasyon niya.

Nang matapos ay bumalik agad ko sa room para kuhanin ang mga dadalhin sa pamamasyal. Kinuha ko yung maliit na backpack sa gilid ng bed at inilagay ang isang towel, wallet, phone at extra shirt dito.

Pagbalik ko sa sala, andun na siya at nakaupo. May hawak na dyaryo at nagbabasa. Tumayo agad siya pagkakita sa akin at nakakunot pa ang noo.

"Ang aga aga ang sungit naman nito. Nakakabad bives siya sa magandang umaga. Pero infairness, ang hot lang ng porma niya." (sabi ko sa isip)

"Oops, saan galing yung hot? Of all things to say, hot talaga??? (biglang usisa ng utak ko sa huling naisip ko)

Pero ipiniling ko ang ulo at iwaksi ang naging isipin.

BEA: "Lets go."

Matipid niyang wika, sabay talikod sa akin after niya ako inirapan.

"Hala siya, may buwanang dalaw si ateng." (sabi ko sa isip)

Kaysa naman intidihin ang mood wing niya hinayaan ko na lang at sumunod na lang sa kanya ng tahimim.

Paglabas ko nang pinto ay nakita ko siyang nakaupo na sa sasakyan. Pagkakita rito ay napakunot ang noo ko. Pero nanatili pa rin akong nakatayo at nakatingin sa kanya.

BEA: "Ano pa tinatayo mo diyan?"

Pagsusungit na naman niya.

Hindi ko alam kung anong problema niya. Kahapon naman ay maganda  mood niya, natulog lang nagkaganyan na siya.

JIA: "Yan ang sasakyan mo?"

BEA: "Correction. Sasakyan natin?"

Napanganga ako sa kanya.

JIA: "Nope. Hindi ako sasakay sa motor na yan."

Pagmamatigas ko sa kanya. Never pa ako nakasakay sa ganyan. Isa pa, hindi ko alam kung marunong siya magmaneho ng single na motor.

BEA: "What's wrong about it?"

Sabay tingin sa akin at sa motor na sinasakyan niya.

JIA: "Hindi mo ako mapapasakay sa ganyan. Mahal ko pa ang buhay ko."

Sigaw ko sa kanya.

BEA: "What the hell!"

Ganting sigaw naman niya.

JIA: "Ayoko sumakay sa ganyan."

BEA: "Don't tell me, never ka pang nakakasakay sa ganito."

Binitiwan niya ang paghawak sa manibela at humawak siya sa bewang niya habang nakatingin sa akin.

JIA: "Pakialam mo ba."

Bahala siya, basta hindi niya ako mapapasakay diyan. Magpapaiwan na lang ako dito.

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon