69 - SUCCESS

527 28 6
                                    

BEA POV

TYLER: "Congratulations for another success."

Masayang bati niya ng makalapit sa pwesto ko. Katatapos lang ng naging launching ng partnership with JMCM Corporation and everybody was eating already.

BEA: "Thanks. Kasama ka rin naman dun sa project."

Masayang pagtanggap ko sa pagbati niya. And I am really happy sa naging turnout ng event.

TYLER: "Pero lahat ng ito ay puro effort at mga ideas mo and of course ni Jia. Taga critic lang at compliment kami. Hahaha."

MATT: "Congrats Bey."

Bati rin niya ng makalapit sa akin, sabay abot ng kopitang may inumin.

BEA: "Thanks."

Sabay tanggap ng ibinigay niya at uminom.

MATT: "What else can I say? Ubos na ang salita sa dictionary ko para sa pwedeng ipuri ko sayo. I mean... You did a very good job again in the business. I will have no doubt that it will make a wave in the industry. Toast for another success of the Parleon."

ANTON: "Andito lang pala kayo. By the way Bey, congrats. The best ka talaga. Pakiss nga."

Sabay tawa niya na nagpasingkit lalo ng kanyang mga mata.

BEA: "Parang nakakahalata na ako ah. May kailangan ba kayong tatlo sa akin? Kanina niyo pa ako binobola."

Sabay tawa silang tatlo.

TYLER: "Ikaw na nga itong binabati tapos kung ano pa ang ibinibentang mo sa amin. Malinis ang intensiyon namin sa pagbati walang bahid na pangangailangan yun."

Bago pa ako makasagot, may isang pamilyar na mukha ang dumarating sa pwesto ko. Kaya sa kanya natuon ang pansin ko lahat halos nakatingin sa direksiyon niya.

Very commanding kasi talaga ang presence niya. Media magnet siya kahit saan. Kaya pagpasok niya, nakuha niya agad ang atensiyon ng lahat.

ANTON: "Ano ba yan, andito na si fafa Thirdy. Itsapwera na naman tayo at hindi mapapansin dahil sa kanya."

MATT: "Itumba na kaya natin yan. Masyadong sumasapaw. Hahahaha."

Sinamaan ko lang sila ng tingin pero tinawanan lang ako ng mga loko.

THIRDY: "For you. Congratulations."

Masayang bati niya ng makalapit sa pwesto ko. Sabay abot niya ng dalang beautiful bouquet of roses. Kung siguro gaya pa ito ng dati, kinilig na ako ng husto.

Don't get me wrong, I felt grateful na dumating siya. Pero wala lang yung kilig na inaasahan ng lahat.

BEA: "Thanks."

Nakangiting sagot ko sa kanya, after niya ako bigyan ng kiss sa gilid ng mga labi. Sort of nagkadikit din naman ng konti ang mga labi namin.

THIRDY: "Sorry. Hindi ko naabutan, I was trying talaga para naman sana masuportahan kita mula sa umpisa. Kaya lang, nahuli na naman ako."

Malungkit na paliwanag niya. And I know he was disappointed na hindi siya umabot sa presentation.

BEA: "Coming here today is more than enough for me. Alam kong abala ka rin naman kaya mauunawaan ko kahit hindi ka nakapunta. And I am happy that you are here right now kahit sobrang busy mo."

TYLER: "Ayie... Ravena shoots may kasama pang foul. Hahaha. Tara na guys, panira lang tayo."

THIRDY: "Manahimik ka nga Tyler. Panggulo ka eh."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon