58 - OPTION

688 23 8
                                    

BEA POV

Gusto ko nang matawa sa itsura ni Jia dahil sa mga pinaggagawa ng mga kaibigan niya.

JIA: "Ilang beses ko bang sasabihin na mali ang iniisip niyo. Wala nga kaming relasyon. Kainis ah."

Badtrip nang wika ni Jia sa mga kaibigan. Ayaw kasi paawat ng mga ito hanggat hindi daw namin inaamin na may tagong namamagitan sa aming dalawa ni Jia.

PONGS: "Eh bakit kayo lagi na lang magkasama? Nagkataon lang lahat ng mga iyon?"

Pang-iintriga pa niya lalo sa kaibigan na aburido na.

JIA: "Hindi naman kayo nakikinig sa mga sinasabi ko eh. Sinabi ko na nga di ba? Magkaibigan lang kami."

Gigil na siya. Pero yung mga kaibigan niya napapangisi lang. I think iniinis lang nila si Jia kaya kinukulit. I was just listening to them and smiling at times kapag nagsasalita na si Jia.

JIA: "Isa ka pa. Nakikitawa ka pa."

Pati ako sinermunan niya. Salubong ang dalawang kilay.

BEA: "Ikaw nga na kaibigan na nila ay hindi ka pinaniniwalaan, ako pa kaya na hindi naman nila kilala?!"

JIA: "Wala ka na ngang naitutulong nakikitawa ka pa."

BEA: "Bakit kasi hindi na lang natin aminin ang totoo sa kanila."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Well, sinakyan ko na mga kaibigan niya. I'll see kung hanggang saan ang patience ni Jia.

JHO: "Sabi na nga ba eh. Umamin ka na Julia."

JIA: "Anong pinagsasabi mong totoong asungot ka?"

Sa akin siya nakatingin. Para siyang isang pusa na any moment ay mangangalmot na lang.

BEA: "Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin. Mukha namang mapagkakatiwalaan ang mga kaibigan mo. Sabihin mo na yung totoo."

MADDIE: "Buti pa to si Bea, marunong umamin."

JIA: "Huwag nga kayong nagpapauto at nagpapaniwala sa isang yan. Siraulo yan eh."

Akmang hahampasin niya ako ng unan kaya naghanda na ako na sasalagin ang hampas niya. Pero hindi naman niya itinuloy.

BEA: "Mahal, alam kong natatakot ka sa sasabihin ng iba dahil sa relasyon nating dalawa kaya gusto mong tago muna. Pero mahal, wala akong pakialam sa mga sasabihin nila. Ang mahalaga sa akin ay nagmamahalan tayong dalawa."

Gusto ko na tumawa sa pang-aasar sa kanya. Nanlaki ang singkit niyang mata, lumabas ang usok sa butas ng ilong niya at akmang sasapakin ako.

Kaya pag-angat ng kamay niya ay napigilan ko ito na hindi tumama sa mukha ko dahil inasahan ko na at napaghandaan ko.

Biglang nagtawanan ang mga lokong kaibigan niya.

JIA: "Hinayupak ka. Bwisit ka. Nadali mo ako dun, hayop ka."

Pinaghahampas niya ako sa balikat habang ako tawa ng tawa kasama ang mga kaibigan niya.

BEA: "Sorry na mahal. Nagbibiro lang ako. Hahahahaha."

JIA: "Magsilayas na nga kayo rito. Mga bwisit kayo."

Naiyak na kakatawa ang mga kaibigan niya. Natigil na rin siya sa kakahampas. Napagod din ata.

TREY: "Alam niyo, bagay kayong dalawa."

Sabay pahid ng luha niya dala ng kakatawa.

JIA: "Tssssseehhh. Tigilan mo ako Margaurette ah. Baka gusto mong tawagan ko si Rex."

CHASING CARS (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon