BEA POV
It has been a week mula nang nangyaring accident na sangkot ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Julia. Sila na ang nag-ayos ng problema at hindi ko na alam ang naging kasunduan nila.
Nung umaga kasi habang nagbabasa ako ng mga paper works ay tumawag ang isang business partner namin sa Mindanao. Nagkaroon daw ng problema.
Kasunod rin na tumawag si dad para personal ko daw na ayusin ang problema. Hindi naman malaki ang problema pero may possibility na lumala kapag hindi naagapan agad.
He wants me to personally work on the problem. Kaya sa mismong araw na yun ay bumiyahe na agad ako papuntang Mindanao. Hindi na rin ako nakapagpaalam pa kay Thirdy.
Tinawagan ko na lang siya ng makarating na ako ng Mindanao. Nagulat pa nga siya at nasa Mindanai na ako. Pero hindi naman bago sa kanya yun, sanay na rin naman siya na lagi akong nasa byahe.
Almost four days din akong nanatili sa Mindanao para ayusin ang gusot. Good thing naayos naman ang problema at hindi na lumala pa.
Kaya nang maging okay na ang lahat ay bumalik na agad ako ng Manila. And it was Thirdy, ang sumundo sa akin sa airport.
Kasabay ng pagsundo niya ay ang pagdate naming dalawa. Buti na lang daw at wala silang training that day kaya he made sure na siya ang susundo sa akin. Namiss ata ako ng mokong kaya gustong sumundo.
Halos kalahating araw din kaming nagkasama na dalawa. After lunch kasi ay kailangan ko na magreport sa opisina namin upang pag-usapan ang tungkol sa naging pagpunta ko sa Mindanao.
Sa loob ng mga araw na wala ako, hindi na rin ako nakabalita sa mortal kong kaasaran. Sa pagkabusy ko, hindi ko na siya nakausap or nakatext man lang.
Well, wala rin naman kasi kaming meeting na nakasched for the week. Buti na lang din na ganun or else magkapatong patong ang mga meetings.
It has been days mula nang naging date namin ni Thirdy at namiss ko ang kumag. And since may konting time ako today ay may naisipan akong gawin.
So, I was here in Thirdy's condo unit. I decided to surprise him today with a breakfast together.
Aside from the fact na namiss ko siya ay kailangan ko lang din bumawi sa kanya dahil hindi na nga kaming dalawa nakakalabas because of my work. At hindi rin ako nakapunta sa date namin kahapon.
And since may konting time ako today ay pagtiyagaan ko na rin ang konting pagkakataon. Dadaanan ko muna siya bago ako tumuloy sa opisina.
Maraming beses na rin kasi akong hindi nakakarating sa date naming dalawa dahil may mga biglaang meetings and urgent problems na kailangan tutukan sa company. Hindi ko naman pwede na pabayaan lang.
Kaya ngayon, pumunta ako sa condo niya para ipagluto siya ng breakfast. Pagpasok ko sa room niya he was comfortably sleeping at his room sa taas.
May susi naman ako ng unit niya kaya pwede ako pumasok anytime. Hindi ko na siya ginising pa at nagsimula na akong magluto ng breakfast naming dalawa.
Habang nakasalang ang niluluto ko, inayos ko na rin ang mga gamit sa mesa. Para naman nakaready na ang lahat for our breakfast.
After 30 minutes ay natapos ko nang lutuin yung iba at hinuli ko na ang pag fried ng rice. Favorite niya kasi yun lalo na kapag mainit pa.
It was not the first time na ipinagluto ko siya ng breakfast. Minsan kasi nasa condo ko siya at doon ako nagluluto for him kapag sinosorpresa niya ako.
Madalas ay dinner kaming dalawa nagluluto. Lalo kapag wala kaming time na lumabas pa at gumala. Kaya nagdinner date na lang kami sa unit ko or unit niya.
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...