JIA POV
Nakakapagod din ang maghapon na puro byahe lang sa kotse. Halos 7 hours din kami na bumiyahe para lang puntahan ang lugar na sinabi niya at mag survey daw kami.
Then, halos dalawang oras din ulit na byahe papunta sa bahay ng relatives niya sa Nueva Ecija. Paglabas ko ng sasakyan, medyo kinilabutan ako kasi luma na yung bahay.
Mumu kaagad ang unang pumasok sa isip ko kaya tumayo ang agad ang mga balahibo ko. Para kasing haunted mansion yung bahay ng relatives niya. Takot kasi talaga ako sa mumu.
Malaki siya, tapos malawak ang nasa paligid ng bahay. May mga puno na malalaki sa mga di kalayuan na nakapalibot sa lugar. Kahit lumang tingnan ang disensyo ng bahay ay mukha pa rin naman itong maayos.
BEA: "Let's go."
Pagyaya niya at bitbit na ang mga gamit niya. Pero nanatili lang akong nakatayo.
BEA: "Don't expect me to carry your luggage. Malaki ka naman na, kaya buhatin mo ang mga gamit mo."
Sabay talikod niya at dumiretso na siya papasok sa bahay. She is back to her old self, well to her original self. The kagigil one.
JIA: "Sungit!"
Usal ko sa sarili at naglakad na para kuhanin ang bag ko sa likod ng kanyang sasakyan. Sumunod na rin ako papasok ng bahay dala dala ang mga gamit ko.
Pagpasok sa loob nakaupo na siya sa sofa. May kausap siyang dalawang medyo may edad na babae at isang binatilyo.
Pagkakita sa akin, ipinakilala niya ang mga ito bago lumabas ng bahay.
JIA: "Where are they going?"
Mahinang tanong ko sa kanya.
BEA: "Uuwi na sa mga bahay nila. Tapos na ang trabaho nila for the day kaya they can already go home to their families."
JIA: "Lahat sila umuuwi?"
May pagtataka kong wika sa kanya.
BEA: "Yes."
JIA: "So, it means na wala ng ibang maiiwan dito?"
BEA: "Yeah, you are right. Wala nga. Kaya tayo lang dalawa ang maiiwan dito sa bahay. They will just return here tomorrow early in the morning para magluto at maglinis na rin. Wala kasi ang lolo at lola ko, umalis daw kanina pumunta sa mga tito ko sa kabilang bayan."
Mahabang paliwanag niya. Then, tumayo na ito at naglakad na siya papunta sa hagdan.
BEA: "Follow me, I'll show you your room."
Wika niya sa akin kung kaya naman ay tumalima na ako at sumunod sa kanya. Pagdating sa taas, binuksan niya ang room na gagamitin ko.
BEA: "Kung may mga kailangan ka, yung katabing room, that's mine. Kumatok ka na lang."
I just nodded as I listen to her and at the same time surveys the room. Maganda naman ito at ang pleasing niya sa mata.
BEA: "I'll go to my room now kung wala ka nang katanungan!?. See you in 30 minutes sa sala para sa dinner. Nakahain na ang pagkain dun, iinitin na lang."
Lumabas na ito at naiwan na akong mag-isa sa loob ng room. She closed the door paglabas niya ng room.
Since wala magawa, ay nahiga na lang muna ako sa may bed para naman makapagpahinga. Medyo kapagod din kasi ang byahe. After few minutes ay inayos ko na ang mga gamit ko.
Saktong 30 minutes ang lumipas ay bumaba na ako para pumunta sa may hapag kainan. Paglabas ko ng room, madilim na. Medyo nakaramdam ako ng takot pero hindi ko na inintindi.
BINABASA MO ANG
CHASING CARS (JIBEA)
FanfictionWhat if you fall in love in such an inopportune time? Are you willing to take risk to leave your current relationship to be with the new found love and stay with him/her? 🎶🎶🎶If I lay here, If I just lay here Would you lie with me and just forget...