Maegan's POV
"Bakla ano saan tayo ngayon?" Tanong ko sa mga kasama ko.
"Dito nalang. Nagugutom ako eh" sagot sakin ni Zaira na nakakatutok sa camera niya.
Ala eh Vlogger siya.
Tinignan ko yung iba ko pang mga kasama na mga busy habang naka upo.
Andito kami sa canteen, wala naman kaming klase kaya dito muna siguro kami tatambay.
"ATE MICHELLE, OHMYGOSH!! PAPICTURE PO!" Sigaw ng junior bago lumapit sa table namin.
Wag na magtaka may kasama tayong maganda.
Sana all may nagpapapicture!
"Taraay Ah! Asaan ba si trisha?" Tanong ni juliana na busy sa sketchpad niya.
"Nasa room ni coach, pinatawag kanina" sagot ko.
Tumango siya bilang sagot.
"Miss kinukuhanan mo ba ako?" Napalingon ako sa kabilang upuan.
Grupo ng mga lalaki na pare-parehas nakatingin samin.
Hindi pamilyar yung mukha, siguro bago lang.
Pinatay muna ni Zaira yung camera niya at humarap sa lalaki na may brace.
Ahh siya pala yung tinutukoy ng lalaki na kumukuha sa kanya.
"Ha? Hindi ah" tanggi niya.
"Feeling si kuya ah" bulong ni Reyna sakin.
Siniko ko siya.
Mamaya marinig siya baka patulan pa kami.
Mukha pa namang mga badboy.
"Wag ka ngang maingay." saway ko sa kanya.
Tinitigan ko yung mga lalaki, infairnes popogi teh! Pak na pak eh parang mga Artista.
"Kanina ko pa napapansin tinututok mo sakin yang camera mo" dagdag nung lalaki.
"Wow! Hahaha.. Sorry po ah kung NAPADAAN LANG yung camera ko sa inyo. Choosy pa kala mo naman pogi" natawa naman ako sa huling sinabi ni Zaira.
HAHAHAHA LOKO TO AH.
"Hayaan mo na pre. Hindi naman sila mukhang stalker eh..." pigil ng isa nilang kasama.
Aba napagkamalan pa kaming stalker.
"Ang ganda naman naming stalker kung ganun" singit ni Michelle.
Patay sumabay na yung isa na tupakin sa lahat.
"Hehehe chill lang mga bakla mukhang bago lang sila dito... Oh, Okay lang yan.. Cool lang tayo" paalala ko sa kanila.
Ang hohot eh.
"Sorry miss.. Gago! pre umupo kana nga dito" sabay hatak nung lalaki sa nakabrace paupo. May mga kasama pa sila kaso yung isa nilang kasama anlamig ng tingin teh nakakashakot.
Umirap muna si Zaira bago umupo ng ayos sa upuan niya.
"Popogi noh?" Tanong ko sa kanila.
Binato naman ako ni Juliana ng fries.
Aray ko ha!
Tinignan ko siya ng masama, "Bakit? Totoo naman ah" nakapout kong sabi.
"Napagkamalan na nga tayong stalker tapos popogi pogi kapang nalalaman dyan" asik niya.
"Yaan mo na. Tara, alis na tayo" aya ni Zaira at nauna ng tumayo sumunod naman kami sa kanya.
Saan naman kaya 'to pupunta.
Tumingin muna ako sa mga lalaki bago ako umalis.
Pero bago pa ako makaalis nginitian ko muna yung isang lalaki.. Nakatingin sakin eh.
••••
A/N : EDITED
Please Vote, Follow and Comment para sa mas mabilis na update..
Message niyo ako tara kwentuhan tayo Hahaha!
Thank you and God Bless!
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)