Maegan's POV
Nagtanong muna kami Nurse station kung saan yung room number ni Trisha.
Nahanap agad yun dahil kilala na siya dito. Pumunta kami kaagad sa kwarto niya.
Tahimik akong sumilip sa nakabukas na pinto niya.
Maliit lang yung pagkakabukas nun kaso si Zaira biglang pumasok naitulak ako pasunod sa kanya sumunod narin samin yung iba.
Napatayo kami ng ayos na maabutan namin sa loob yung Tita ni Trisha.
"Buong taon kananaman bang magpapabalik balik dito!? Akala ko ba umiwas kana sa gulo? Ano sa susunod na punta mo ulit dito puro ka pasa kung hindi pasa yan.. Pilay ha!" Natahimik kami.
Nakayuko lang si Trisha na nasa kama may benda narin yung paa niya. Hindi kami nakikita ng Tita niya kasi nakatikod 'to sa pwesto namin. Nakatagilid naman si Trisha sa pwesto niya.
Nagsikuhan kami ni Zaira.
"Bakit ka kasi pumasok" bulong ko sa kanya.
"Sumilip ka eh malay ko ba tsaka bakit sumunod kayo sakin?" Bulong niya rin.
"Paanong hindi kami susunod eh binuksan mo ng malaki yung pintuan. Tapos na tulak na ako pasunod sayo" Sagot ko.
Tinignan ko yung mga boys na mga nakatiningin sa pwesto ni Trisha.
"Labas tayo" bulong ko sa kanila sabay senyas sa labas.
Sunod sunod kaming lumabas.
"Grabe yung tita ni Trisha parang dragon. Nakakatakot" natawa ako sa sinabi ni Denver paglabas namin.
"Hahaha! Kilala niyo na kung kanino siya nagmana?" Natawa sila sa sinabi ni Reyna.
"Diko akalain na ganun pala kalala yung nangyari kay Trisha" seryosong sabi ni Mavy.
"Ako rin. Pero bakit parang galit na galit yung tita ni Trisha sa kanya. Araw araw ba siya dito dati?" Takang tanong ni Razz.
"Grabe naman sa araw araw.. siguro tatlong araw sa isang linggo? Depende sa mood nila ni Alice" pabirong sagot ni Reyna.
"Kaya pala eh" natahimik kami ng bumukas yung pinto at iniluwa nun yung tita ni Trisha.
Nagulat ako nung tumago si Zaira sa likod ko.
"Kaibigan kayo ni Trisha diba? Pwede ko ba makausap yung isa sa inyo?" Nagtinginan kaming lahat.
Ay mali.. kasi lahat sila nakatingin sakin. Maliban kay Mj.
"Oo eto na nga .. ako na yung sasama, pahamak talaga kayo ah" bulong ko sa kanila bago lumapit sa Tita ni Trisha at sumunod maglakad sa kanya.
May ilang nurse na bumati sa kanya bago kami makarating Office niya.
"Umupo ka" utos niya kaya kaagad akong umupo.
Mahirap na baka mapagalitan ako.
Tinignan ko yun name plate niya.
Dr. Joy Tagalog
"Alam mo ba kung bakit nagkaganun yung pilay ni Trisha?" Tumango ako.
Pinaliwanag ko kay Doc lahat ng alam ko.
Pagyari ko magpaliwanag sumandal siya sa upuan niya.
"So bumalik na pala yung Alice sa school niyo? Bakit hindi pwedeng ireport sa Office yung nangyari eh sobrang naagrabyado si Trisha" may galit na sabi niya sakin.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Ficção AdolescenteBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)