( Welcome back! )
DAYS PASSED abala ako sa pagkain kasama si Reyna,Michelle at Zaira.
"Diretso na tayo sa Ford University pagyari natin?" Tanong ko sa kanila.
Doon kasi yung laro ng basketball team namin, andun din yung mga boys para e-support sila Razz at Johnrick. Sasama sana samin si Mj kanina kaso sinabi ko 'wag na kasi puro kami babae at magkasama naman na kami kahapon.
Ilang araw na yung lumipas simula nung sinagot ko siya at yung aksedenteng nangyari pero hindi parin magaling yung sugat ni Mj, si Mavy naman katatanggal lang ng semento sa kamay niya nung isang araw. Nakakulong naman na yung taong gumawa sa kanila nun kaya wala na kaming problema.
"Nagtext si Trisha.. 6 pm daw game nila, Ano nuod tayo?" Tanong ni Zaira. Isa pa tong babae na to namo-mroblema sa stalker niyang hindi namin makila-kilala, Wag lang siya magpapahuli samin.. kundi lagot talaga siya!
Tinignan ko yung oras 2:30 palang.
"Babalik pa ako ng room, ipapasa ko yung sketch ko kay Ma'am. Una nalang kayo" sabi ni Michelle at sumimsim ng milktea.
Tinitigan ko siya hindi na siya masyadong sumasama samin, minsan sasama pero mauuna naman siya o di kaya nahuhuli. Ewan pero parang may problema siya, hindi ko lang matanong kung ano kasi lagi siya umiiwas sa topic about sa kanya.
"Nuod muna tayo ng basketball?" Tanong ko kay Zaira.
Tumango siya "Oo.. pero uuwi muna ako pagyari, bago manuod ng laro ni Trisha" sagot niya.
Tumango ako. Bago pa man ako magsalita may sumigaw ng pangalan namin mula sa likod.
Sabay sabay kaming lumingon doon. Nanlaki yung mata ko ng makilala kung sino yun.
Like O to the M to the G—OMG!!Totoo ba to!?
Kinusot ko yung mata ko at pinanuod yung dalawang tao na naglalakad papunta sa pwesto namin. Kelan pa sila dumating?
"Mga Vaklah! Na-miss ko mga pes niyo sa abroad, Musta mga Vaklah virgin parin ba!?" Tanong ni Stephen paglapit niya tapos hinatak niya kami para bumeso.
Tong Vaklang toh! hindi sila totally na bakla na nagsusuot ng pambabae ah, kasi patay sila sa mga pudra nila pag nagkataon. Kaibigan rin namin sila kaso kailangan nila pumuntang abroad para ipagpatuloy yung Carrer nila. Si Stephen nag-aaral ng iba't-ibang instrument, si Irvin naman sa painting.
Humarap ako kay Irvin "Balita ko may mga beshie daw kayong Fafa! Ano kelan niyo kami balak ipakilala!" Tanong niya.
Nagtawanan kami tapos umupo sila sa kaharap namin.
"Next time na yun, btw kelan kayo dumating?" Tanong ko.
Nagtinginan sila dalawa "Actually kanina lang. Dapat nga isu-surprise namin kayo sa room niyo e pagdating namin dun-Gosh! Kami yung na surprise, Walang tao mga besh! Kaya ayun nag-aya si Vaklah na magmilk-tea, tapos iyun—pak! Andito pala kayo!" Mahabang paliwanag ni Irvin, Ella kung tawagin namin.
"Kaya nga! Saan gora niyo pagyari chumibog?" Tanong ni Stephen, Stephy nalang for short.
"Manunuod ng basketball, then mamayang 6 nuod naman ng laro ni Trisha" sagot ni Zaira.
"Sama kayo?" Tanong ni Michelle. Nagpaalam siya nabibilhan ng milk-tea yung dalawang vaklah.
"Thanky Vaklah, pero goraa ako mamshie! Ikaw Ella G ka?" Tanong ni Stephy kay Ella. Namiss ko tong dalawa na to, nung lagi namin sila kasama kulang nalang maihi kami lagi sa sobrang tawa dahil sa kanila idagdag pa si Zaira na may pagka-abno rin. Ano kaya magiging reaction ng iba naming kaibigan pag nakita tong dalawang to?
"G ako syempre, maiba tayo vaklah! Alam niyo ba yung chismis?" Bulong ni Ella samin.
Kami naman medyo lumapit sa kanya. Iba rin to e kadarating lang may chismis na agad.
"Ano yun?" Tanong ko.
Nilapit niya yung mukha niya samin.
"Patay na pala si Michel jackson" sabay sabay namin siya binatukan.
"Tagal na teh! Mabagal ba yang wifi mo at hindi ka agad na update!" Sabi sa kanya ni Zaira. Natawa ako.
Kinamot niya yung ulo niya kung saan namin siya binatukan "Buti nalang wala si Trisha, mashaket pa naman mangbatok yun" natawa ako sa sinabi niya. Napaka-bigat kasi ng kamay ng babae na yun. Akala mo laging bola yung hahampasin.
"Buti nalang. 3 na mga vaklah 'dipa tayo go-goraa?" Tanong ni Stephy. Tinignan ko yung oras, 3 na nga! Ang bilis naman.
Tumayo na ako ganun din si Zara kaya sumunod na yung dalawa.
"Ano Vaklah magpapahatak ka pa ganun?" Tanong ni Stephy kay Michelle.
Tumawa siya tapos Umiling "Sira. Mauna na kayo, sunod nalang ako. Babush" nagpaalam na muna kami sa kanya bago lumabas.
Dahil wala kaming sasakyan ni Zaira sa kotse kami ni Ella sumakay. Taray ng vaklang tong nakaluwag-luwag na sa buhay. Iba talaga pag galing abroad e.
•
•
•
Hinanap namin yung pwesto ng mga kaibigan namin. Maingay na sa loob ng gym pagdating namin. May ilan-ilan na nakilala namin kaya tinanong namin kung saan naka-upo yung mga kaibigan namin. Tinuro nila yung likod ng bench ng Team ng School kaya doon kami pumunta.
Kasabay ko sa paglalakad si Stephy. Tuwang-tuwa si Bruha ng may ilan ilang bumabati sa kanya.
Napatingin ako sa braso ko na hawak niya.
"Di parin talaga kumukupas yung ganda namin ng Vaklah! After 1 year kilala parin yung ganda ko! Tskkk." Bilib na bilib sa sariling sabi niya. Tumawa ako tapos inabot yung ilong niya at pinitik yun. Bakit kasi ang tangkad nitong Vaklang toh!
"Wag ka nga'ng assuming dyan! Akala kasi nila patay na kayo, kaya pansin mo kakaiba sila bumati, parang nakakita ng patay" sabi ko at natawa naman ako sa naging reaction niya. Nanlaki talaga yung mata tapos napatuptop siya sa bibig niya.
"Ohmygeee! Totoo! Sino namang bruhilda nagpakalat ng chismis na yun?" Tanong niya pagyari makarecover sa sinabi ko.
Tumawa ako tapos hinatak siya palapit sakin "Kami" bulong ko sa kanya bago naglakad. Iniwan ko siya, mamaya mahampas pa ako ng vaklang yun.
Umupo ako sa tabi ni Mj na nakatingin sakin.
Nginitian ko siya pero di niya ako pinansin at humarap sa naglalaro.
Problema nito?
Kinalabit ko siya "Hoy, Okay ka lang? Uy" pangungulit ko sa kanya. Pero di parin siya humaharap sakin.
Yung mga vaklah naman todo na sigaw sa team namin.
Humarap ulit ako sa kanya "Kausapin mo ako, Uy!" Hinawakan ko na yung braso niya para tumingin siya sakin.
Nakulitan na siguro siya kaya humarap sakin tapos tinanggal yung pagkakahawak ko sa braso niya.
"Bakit ang sungit mo, Pansin mo ako" sabi ko sa kanya.
"Meg nagse-selos lang yan" napakunot yung noo ko sa sinabi ni Ysabelo. Hinampas siya ni Mj sa braso.
Nagseselos kanino? E wala naman akong nakakausap na lalaki.
"Kanino ka nagse-selos? Wala naman akong kasam—" natawa ako ng marealize ko kung sino yung tinutukoy niya.
•••
A/N: HAPPY READING!!
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)