Pagpasok namin sa Condo ni Ate nagpaalam siya na maglilinis lang.Umupo ako sa sofa niya, tinignan kong mabuti yung loob ng Condo niya.
Kaya siguro wala siya lagi sa bahay kasi may ganto siya pero saan naman kaya niya nakuha yung pera para mabili to.
Napatingin ako sa painting na nasa taas na flatscreen T.V niya.
Bigay ko yun sa kanya nung 18th Birthday niya.
*ding dong
Tatayo na sana ako kaso naunahan na ako ni ate papunta sa pinto.
Pagbukas nun sunod sunod na pumasok si Zaira, Michelle, Reyna pati Juliana. Ala si Trisha.
"Wow! Ganda ng Unit mo ate" puri ni Zaira.
"Hahaha.. Nukaba! Mamaya na yung chika! Anong oras na oh.. leegoo na, pasok doon sa kwarto ko" aya niya.
Pagpasok namin sa kwarto niya, inuna niyang ayusan si Michelle.
"Light lang na make up then lagyan natin ng highlights then goraa na.. " paliwanag niya.
Sunod sunod niya kaming inayusan. Pagyari niya kami ayusan nagbihis na kami. At nagsuot ng mga accessories na binila niya kanina. Sinuot narin namin yung mga heels namin.Black na Ankle Strap yung akin.
"Ohmygod! Picture muna kayo. Dali! doon tayo sa labas!" Sigaw ni ate. Pinagbuksan niya kami ng pinto ng kwarto niya.
Sunod sunod kaming lumabas.
"Sayang wala si Trisha"sabi ni Reyna bago kami makalabas.
Siya nalang kulang.
"Magsend nalang tayo ng picture sa kanya" singit ni Michelle.
"Girls pose na dali! Ako nalang magse-send kay Trisha ng picture niyo! 6:16 na" sigaw ni ate.
Nagpicture picture muna kami.
Umupo muna kami habang inaantay yung sundo. Si Johnrick daw yung susundo samin.
Bakit habang papalapit ng papalapit yung oras kinakabahan ako?
"Kanina kapa tahimik ah. Problema?" Napatingin ako sa katabi ko.
Si Juliana.
Umiling ako "Wala" maikli kong sagot.
Buti nalang hindi niya na ako kinusap ulit kasi Vinideo call ni Zaira si Trisha.
Tumayo ako at lumipat sa tabi ni ate.
Napatingin siya sakin ng umupo ako sa tabi niya.
"Bakit naka-simangot ka?" Tanong niya.
" 'Te iniisip ko si Daddy, Okay lang kaya si tito Samuel? Wag na kaya ako tumuloy.." sabi ko sa kanya.
Hinarap ako ni ate "Nukaba! Wag ka nga'ng nega d'yan. Okay lang si Tito matapang yun. Mag-enjoy ka nalang sa party" sumimangot ako sa sinabi niya.
Ewan pero parang may mangyayari talaga e.
"Kinakabahan ako" bulong ko sa kanya.
Tumawa siya at umambang kakaltukan ako "Pasalamat ka naka-ayos yang buhok mo. Tungek! bakit ka kakabahan e hindi ka naman magsasalita doon.. tsaka ano ka ba puro artista yung mga invited kaya dapat maganda ka" sabi niya sakin.
Inirapan ko lang siya "Kaya nga ako kinakabahan e" natawa siya sinabi ko.
Para akong natatae dahil sa kaba ngayon.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Novela JuvenilBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)